Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Regine nanghihina, inaatake ng lungkot

0 1,089

Hindi na nakapagtataka kung sasabihin ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na nakakaranas siyang muli ng anxiety. Inamin ito ni Regine noong nasa enhanced community quarantine pa ang NCR.

Ang cause ng anxiety niya noon ay ang pandemic. Pero ngayon, nakadagdag na ang tuluyang pagsasara ng ABS-CBN.

Nag-tweet si Regine na habang tumatagal daw, pinanghihinaan na siya ng loob. Napapatanong na rin ito kung may trabaho pa nga bang naghihintay sa kanila ngayong sarado na ang Kapamilya network.

“Habang tumatagal aaminin ko napanghihinaan na ako ng loob. Hindi ko alam kung may trabaho pa kaming lahat.

“Ang nakakalungkot parang ikinatuwa pa ng mga taong dapat ay nagtatanggol sa ating karapatan. Bakit ganito??? Sana panaginip lang lahat ng ito,” sabi ni Regine.

Halos lahat naman ng nag-comment sa tweet ni Regine ay nagsabing kumapit at dasal lang daw ito.

Zoren, Carmina malabong mamulubi

Para sa amin, ideal talaga ang Legaspi family ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel at kambal nilang anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

SM food to go Banner Ad

Parehong artista sina Zoren at Carmina at karaniwan sa showbiz ang broken family, pero sila, hindi lang buo kung hindi, sa edad na 19 ng kambal, never silang nagkaroon ng problema sa mga ito at hanggang ngayon, obedient pa rin sa kanila at sumusunod pa rin sa curfew na sinet nila.

Sa panahon ng COVID-19, kung ang iba, kahit na artista ay kinakabahan na hindi lang sa safety kung hindi lalo na sa financial, nasiguro ni Zoren na may pandemic man o wala, he made it a point na ready at nakakapag-save sila.

Sey nito nang tanungin namin through zoom interview, “Na-prepare ko yung family na kung anoman ang kinita namin sa mga commercials, it was invented and it was saved. Hindi siya ginastos ng kung ano-ano.”

Balik taping na nga ang mag-anak, pero sa bahay pa rin sila para sa unang fresh episode ng Sarap ‘Di Ba? At Home Edition simula sa Sabado, July 18 ng 10:45 ng umaga sa GMA-7.

Ruru bumilib sa akting ni Paolo

Bilib na bilib si Ruru Madrid kay Paolo Contis. First time niyang napanood ang 2018 movie na Through Night & Day sa Netflix at nang mag-IG Live ito, naikuwento pa at tila hindi maka-move on.

Sey niya nga, sa part ni Alessandra de Rossi, talagang galing na galing na raw siya rito dati pa. Pero mukhang na-surprise ito kay Paolo dahil ngayon lang daw niya nakitang umarte ng seryoso o drama talaga.

“Ibang klase, nakakabilib talaga. Kasi nga, sanay tayo na comedy si Kuya Pao. Pero grabe, do’n natin makikita ang range bilang actor.

“He’s very versatile at kayang-kaya niyang lahat.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.