Una sa Balita

Regine nangangayayat sa sex?

By
0 5,087

Kahit abala sa #paMORE MOA Arena concert nila on February 10, naisisingit pa rin ng mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid ang pagdi-date. After ng rehearsal nila noong Monday, dumeretso ang mag-asawa sa Shangri-La Mall sa may Mandaluyong City at namasyal at nag-shopping kasama ang anak nilang si Nate.

Madalas kasi, kapag galing sa school, dumederetso si Nate sa rehearsal ng #paMORE.

Gustong-gusto nina Ogie at Regine na pala­ging nakakasama si Nate dahil 6 years old na ito at gusto nila na nakikita nila ang paglaki ng anak.

Marami nga pala ang nakapansin na habang papalapit ang #paMORE ay patuloy sa pagpayat si Regine. Noong presscon nila, may mga nagsabing pati ang mukha ni Regine ay lumiit na.

Ano kaya ang sikreto ni Regine sa mabilis niyang pagpayat? Sex kaya?

Sana mabuntis na ako! – Assunta

After Impostora taping (na sa Friday na ang finale airing), ilang series din ang in-offer kay Assunta de Rossi, pero tatapusin lang daw niya ang Diary Of A 30 Something cable/internet project na pinamamahalaan ng kanyang sister na si Alessandra de Rossi at on leave na siya.

Aasikasuhin ni Assunta ang tungkol sa matagal na nilang plano ng mister niyang si Jules Ledesma na magbuntis siya. Hanggang first week of March lang naman ang shooting nila ng Diary Of A 30 Something at magpapahinga na siya after.

Sinabihan na rin kasi si Assunta ng kanyang doktor na magpahinga para magbuntis na ­talaga.

Kuwento pa ni Assunta, during Impostora ay nahirapan siya dahil kasabay niyang ginawa ang Unbroken Hearts mini-series ng GMA 7 na pinagbibidahan nila ni Janine Gutierrez na sa Zambales pa ang ­location.

“Excited na ako, sana heto na nga ‘yon, sana makabuo na talaga at magka-baby na kami ni Jules,” sey ni Assunta.

Going back to Impostora, nakapag-last taping day na sila 2 weeks ago pa at marami raw twist sa ending ng kanilang afternoon series, pero bawal daw sabihin at magugulantang na lang daw ang viewers.