Una sa Balita

Regine nanawagan kay Digong

‘Hindi naman po namumulitika si God, ‘wag na po natin siyang idamay’

By
0 2,577

Madalas nang mag-post si Regine Velasquez-Alcasid ng verses mula sa Bible sa kanya Instagram bukod sa mga picture ng anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate o di kaya ay coming shows niya o ng asawa.

Sa IG ni Songbird kahapon, nakasaad ang verse mula sa 1 Peter 2: 9 na, ‘He called you out of the darkness into His wonderful light’.
Pero sa kanyang Twitter, kapansin-pansin ang nakasaad sa tweet ni Songbird.

“Nalulungkot talaga ako. Hindi ako mahilig makialam sa mga ganito pero Mr. President kuha na po namin na hindi kayo naniniwala kay God.
“Pero marami po sa amin ang naniniwala sa Kanya. Hindi naman po namumulitika si God kaya wag na po natin siyang idamay.

“But I still pray for you. May GOD bless you and may HE show you the right way to lead our country. In Jesus name I pray…”

Tila umaray man si Regine sa isyu tungkol sa Diyos na bagong kinasangkutan ni President Duterte, nasuklian naman ang nadarama ni Songbird dahil ang pilot episode ng hinu-host na talent search, ang ‘The Clash’, last Saturday ay umani ng papuri at trending sa Twitter.

Coney Reyes bilib sa pagka-humble ni Alden

Lumayas muna ng bansa kahapon si Alden Richards. Ang chika, ang rason ng pag-alis niya ay para kunan ang ilang eksena ng coming series niyang ‘Victor Magtanggol’ sa Canada.

Pero wala pang kumpirmasyon tungkol dito ang production in charge ng family-drama-fantasy series at kung saan sa Canada ang location.

Sa taping sa ibang bansa, doon niya makikilala ang dalawang Kapuso actress na makakasama niya. Ang balita, si Janine Gutierrez ang isa sa magiging kapareha niya. Pero sa IG ng Kapuso actress, wala siyang pahaging kung kasabay siyang umalis ng Team VM.

Anyway, after ng child star na si Paopao, ang kasunod na inilabas na makakasama ni Alden ay ang award-winning actress na si Coney Reyes. Sa pahayag ng aktres, kahit matagal na silang hindi nagkikita ng Pambansang Bae, nananatiling humble si Alden.