Una sa Balita

Regine, nagmahal, nasaktan, at namatayan ng…

By
Regine Velasquez
0 2

Isinugod ni Regine Velasquez-Alcasid ang sarili sa ospital nu’ng Sabado nang maaksidente ito.

Makikita sa post ni Regine sa Instagram wall niya ang close-up shot ng kanyang mga daliri.

Sa unang tingin hindi mapapansing may nangyari sa mga kuko ng singer-host, pero sa caption nito malalamang naipit pala ang mga daliri nito.

“Nagmahal, nasaktan, nai­pit sa pinto ang daliri at namatayan ng kuku!!!! On my way to the hospital #sopainful,” sey ni Regine.

Hindi na dinetalye ni Regine kung paano siya naipit sa pinto pero makikita naman sa la­rawan ang bahaging nangingitim ang kanyang kuko na isang indikasyong naipit nga ito.

Sa ikalawa niyang photo­ posting, sinabi ni Regine na okey na siya. Katunayan, nag-post uli siya ng photo niya at this time ang kamay niya na may relo at nalalagyan ng scarf.

Sinabi nitong inaaliw na lang daw niya ang sarili niya ngayong namatayan siya ng kuko.

“Got the idea from the two queens. At least kahit patay kuku ko may pa scarf pa naman watch ko. BONGGA!! #inaaliwkonalangsariliko. Ay bakitad.”