Una sa Balita

Regine naglabas ng galit sa mga Chinese

0 573

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyTumitili ang tweet ni Regine Velasquez-Alcasid tungkol sa napanood na feature ng ABS-CBN 2. Naka-attach sa tweet ni Regine ang investigative report ng Kapamil­ya network tungkol sa pag-invade ng mga Chinese fishermen sa West Philippine Sea at ang walang habas na pagsira nito sa mga coral.

Sinasabi sa report mula sa interview sa mga mangingisdang Pinoy na nag­huhukay ang Chinese fishermen ng mga taklobo o giant clams gamit ang isang fishing technique na sumisira sa mga coral. Mapapanood sa video ang mga kuha ng Kapamilya news team na nagpapatunay sa pag­lapastangan ng mga Chinese sa karagatan ng bansa.

“Hindi ko alam kung magagalit ako o malulungkot ako!!!!!” sabi ni Regine.

Sa isa pa niyang tweet sa ABS-CBN news, nanawagan na ang Songbird.

“Ano po ang nangyayari sa bansa natin why are we letting these people destroy it???” sabi niya.

Sumusuporta at nakikisimpatya naman ang mga follower ni Regine sa kanyang sentimyento.

Manilyn nagsisi sa pang-iisnab sa Notre Dame

Pinagsisihan ni Manilyn Reynes na mas pinili niyang mag-shopping sa Paris, kaysa bisitahin ang historical at isa sa mga landmark ng Pa­ris, ang Notre Dame Cathed­ral.

Isa si Manilyn sa mga nalungkot sa pagkasunog ng 800-year-old cathed­ral. Naka-post sa Instagram ng Kapuso actress ang solong larawan ng Notre Dame bago pa ito natupok.

Walang shot si Manilyn sa nasabing simbahan dahil inisnab niya ang pagbisita rito noon.

“800 years old. Nalampasam mo lahat-French Revolution, World War 1, World War 2, at kung anu-ano pang balakid. Nakakalungkot. Wat­ching it on TV, nakakaiyak. Pinagsisihan kong hindi kita pinuntahan when I had the chance.

“Can’t believe na ipinag-palit kita sa pamimili ng leather shoes sa Paris. I’m sorry.

“Dear Lord, I know may mga plano ka po. This will strengthen our faith even more. As the Easter message goes: Dying, you destroyed our death. Rising you restored our life. “#notredamedeparis #dapattamangdesis­yon,” sabi ni Manilyn.

Bea Alonzo inalala ang dasal sa nasunog na katedral

Mas malaki naman ang naiwang impact kay Bea Alonzo ng pagkakatupok ng Notre Dame. Sa kanyang Instagram, makikita ang larawan niya habang background ang façade nito at ang isa naman ay short video na kinukunan niya ang choir na kuma­kanta sa loob ng simbahan.

“I heard the heartbreaking news about Notre Dame. This is sad…The last time I had the pleasure to be in this place, I prayed for something that changed my life..this place will always be special to me. Sharing with you the video of that time when I visited the Notre Dame Cathedral in 2016.  There was a choir singing and all I felt was the assurance that everything was going to be alright.  Yes everything will be alright.”

David Semerad inilantad ang pagbubuntis ni Gwen

Habang hindi pa kinukumpirma ni Gwen Zamora ang napapabalitang pagdadalantao niya, tila ibinuko na ito ng kasintahan niyang basketbolista na si David Semerad.
Sa post ni David ng larawan nilang dalawa ni Gwen, sa Instagram niya, habang nakalub­lob sila sa swimming pool at hinahalikan nito ang kasintahan sa noo, hindi lang ang aktres ang tinutukoy niya sa caption, kundi may isa pa.

“Enjoying every moment with these two,” sabi ni David.

Dalawa lang sila ni Gwen sa pool at wala naman silang kasama. Natunugan agad ng netizen na ang mensahe ni David ay para sa kanyang mag-ina.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbibigay ng kahit anong hint si Gwen sa kanyang pagdadalantao.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy