Una sa Balita

Regine nabawasan ang kredibilidad

By
0 28

Hindi na kami naniniwala sa sinabi ni Regine Velasquez na nagbago na ang timbre ng boses niya dahil nagkakaedad na siya.

Nabawasan ang kredi­bilidad, in a posi­tive way, ni Regine nang ­aming panoorin ang ­unang ­gabi ng R3.0, ang kanyang 30th anniver­sary concert sa Mall of Asia Arena noong ­Sabado ­dahil napatunayan namin na walang nagbago sa boses niya.

As a matter of fact, para sa amin, mas maga­ling na performer nga­yon si Regine mula nang maging asawa at ina siya.

Ang R3.0 ang pinakamaganda sa lahat ng mga major concert ni Regine kaya sulit na sulit ang ibinayad ng mga bumili ng ticket.

Kung may retirement age ang mga boxer, hindi ang mga singer na ­kagaya ni Regine na isa sa mga national treasure ng ating bansa.

Regine humagulgol sa duet kay Mang Gerry
“Ang dami kong insecurities…” — Regine

Ang tribute ni Regine sa kanyang pumanaw na ama na si Mang Gerry at sa Panginoon ang mga itinuturing namin na mga highlight ng R3.0.

Gustong-gusto ng lahat ang hauntingly beautiful virtual duet nina Regine at Mang Gerry. Sinabayan ni Regine ang pagkanta ni Mang Gerry ng favorite song nito, ang You’ll Never Know sa isang old video.

Ramdam na ramdam ng lahat ang pangungulila ni Regine sa tatay nito nang tuluyan na siyang mapahagulgol ng iyak sa tribute song niya kay Mang Gerry.

“I realized that I’ve actually never done any concerts without my ­father, except for ­tonight.
“He gave me the name Regina Encarnacion Velasquez. He gave me that name and Ronnie (Henares), of course, my manager, binago po niya at ginawang Regine.

“But Regina actually means queen. I am not a queen, I’m very far from being a queen but my ­father gave me such a huge name that I was thinking, maybe when he gave me this name, he had a dream and a hope in his heart that one day I will become somebody important so he blessed me with this name.

“It’s like parang binasa na niya ang future ko, so to my father, thank you. Thank you for everything,” ang taos-puso na pasasalamat ni Regine sa tatay niya.

Pinasalamatan din ni Regine ang Panginoong Jesus dahil ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas sa lahat ng mga pagsubok na pinagdara­anan niya.

“I wanna say thank you to my personal savior Jesus Christ because He is the one who gave me this voice and He is the one Who make all these things possible for me. He gave me back my confidence,” ani Regine.

“Ang dami kong insecurities, ganoon pala kapag tumatanda, naiisip mo lahat. Grabe, samantalang dati, tira lang ako nang tira. Ngayon, ang dami ko nang iniisip. Baka makita ‘yung caesarian ko, ‘yung mga ganoon ba?”ang sabi ni Regine.

Malakas na palakpakan ang natanggap ni Regine mula sa manonood nang sabihin niya na “Hangga’t may nakikinig, kakanta ako. Lord, thank you. To God be the Glory!”

Regine reyna pa rin

Kahit mapagkumbaba na sinabi ni Regine na hindi nito iniisip na ­siya ang reyna ng mga Filipino singer, siya pa rin ang lumutang at nangi­babaw sa powerhouse number nila nina ­Angeline Quinto, Aicelle Santos, Julie Anne San Jose, ­Morisette Amon at Jona.

Standing ovation ang ibinigay ng MOA Arena audience dahil sa makapanindig-balahibo na performance ng anim na maga­galing na singer.

MOA dumagundong kina Donna at Mikee
Nate, pro na pro sa kantahan

Ang I Can, mula sa 1996 Do-Re-Mi movie ng Viva Films, ang inawit ni Regine at ng kanyang anak na si ­Nate na walang kakaba-kaba sa pagkanta.

Dumagundong ang buong MOA ­Arena habang kumakanta ang mag-ina dahil sa surprise appearance nina ­Donna Cruz at Mikee Cojuangco-Jaworski, ang mga kaibigan at co-star ni Regine sa Do-Re-Mi.

Dahil natural comedienne, natawa ang lahat sa sinabi ni Regine na “Thank you so much. These are my real friends. Si Donna po ay nangga­ling pa ng ­Cebu at si Mikee po ay nag-voice lessons. It’s true.

Ogie naloka sa boobs ni Regine
“Bastos ka! Pa-Lord-Lord ka pa!” — Ogie

Ogie Alcasid

Kinanta naman ni Regine at ng kanyang mister na si Ogie Alcasid ang lahat ng mga composition ng singer/songwriter na ginamit na theme song sa blockbuster movies ng misis niya.

“I’m not a perfect wife. I don’t think there’s such a thing but everyday, I learn new things because of this man. I’m able to do this concert because he gives me support and strength. Hindi ko po alam kung saan ­niya kinukuha.

“Actually, alam ko, kay Lord naman nanggagaling ‘yon pero grabe po talaga ang suporta at lakas na ibinibigay sa akin ng tao na ‘to. It’s wonderful to be married, providing you’re married to the right person and I’m happy to say, I married my bestfriend,” ang mga papuri ni Regine nang ipakilala nito ang asawa niya.

Napuno ng tawanan ang concert venue nang umakyat sa stage si Regine, suot ang sexy red gown na halos kita na ang kanyang kambal na dibdib.

“Uy my goodness, may mga kasama ka! Ba’t meron kang mga kasama?” ang natatawa na tanong ni Ogie.

“Si Susan at si Amalia ‘yan, huwag kang maingay,” ang sagot ni Regine.

“Ipakilala mo naman ako,” ang ­sabi ni Ogie.

“Kay Susan at Amalia? Kilalang-kilala ka na ng dalawa, hahaha!” ang buwelta ni Regine.

“Bastos ka, meron ka pang pa-Lord, Lord, bastos ka pala,” ang pabiro na sagot ni Ogie.

“I’m so proud of you, mighty proud! Pag­labas mo kanina, tingnan mo itong mga tao, ang ­dami-dami. Ang dami-daming nagmamahal sa’yo,” ang tuwang-tuwa na pahayag ni Ogie nang makita nito na punumpuno ng mga tao ang concert ng asawa niya.