Una sa Balita

Regine, Moira nagkainitan sa ‘IDOL PH’

0 479

Nagkainitan nga ba sina Moira dela Torre at Regine Velasquez sa Idol Philippines ng ABS-CBN 2? Ang eksenang `yon ba ay ipinakita sa telebisyon, o tuluyang pinatay agad at ibinaon na lang sa limot?

Anyway, pinabulaanan nga ni Moira ang chismis na may hidwaan, o nagkainitan sila ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Matatandaang nagkaroon kasi ng diskusyon ang dalawa nang sabihin ni Regine na pare-pareho ang tunog ng mga nag-audition para sa “Idol Philippines.”

“Totoo po ‘yun. Kasi sunod-sunod sila, hindi ko nga alam na sunod-sunod din na pinakita ‘yung audition, tapos hindi ko alam na ako din ‘yung influence nila, so noong pang-tatlo na, nagtago na ako (beside James Reid) alam ko na sasabihin niya (Regine Velasquez), but after every taping, we’re so light and masaya po kami sa set,” sabi ni Moira.

Hindi naman issue kay Moira na may mga gumagaya sa kanya dahil siya rin mismo dumaan din sa ganoong stage.

“In my eleven years trying to find my own sound, ang dami ko na din naging sound and ngayon lang din ako na­ging confident sa sound ko kahit na sabihin pa bebe or electric fan ‘yung boses ko,” sagot niya.

Masakit din para kay Moira na mag-“no” sa auditionees, lalo na at dumaan din siya sa isang reality-singing competition, pero daan naman daw ito para maka-connect sa rejected artists.

“Alam ko ‘yung feeling na ma-reject, so ang dali lang po na i-encourage sila lalo na nung nag-eliminate na kami, ‘yung mga na-eliminate nilapitan ko. It was so easy for me to reach out to them kasi I was credible enough to say na ‘alam mo if may naniniwala sa second chance ako ‘yun,’” paliwanag pa niya.

Marami pang aabangan kay Moira dahil bukod sa “Idol Philippines,” mayroon pa siyang international concerts at album na dapat abangan ng fans. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy