REGINE, MAY AAMININ KINA JANNO AT ANJO!

By

Regine Velasquez
Regine Velasquez

Ngayong Sabado (April 22) ang birthday ni Regine Velasquez-Alcasid. At siyempre, may birthday celebrations si Asia’s Songbird sa Sarap Diva at Full House Tonight.

Umaga pa lang, masayang salubong na ang mangyayari dahil bibisita ang cast ng top-rating GMA primetime series na Meant To Be na sina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner sa bahay ng Cooking Diva.

Magiging extra special ang episode na ito dahil sa surprise appearance ng pinakamamahal na ina ni Regine na si Tessie Velasquez. Bukod sa pagsasaluhan nilang boodle fight, may paandar naman si Ken na Meant to Be-chon, ang own version niya ng masarap at hindi kasing-mahal na lechon ribs.

Sa Full House Tonight, magdiriwang ng kaarawan si Regine at magbabalik tanaw sa hit 90’s movie niyang DoReMi kasama ang mga dating co-stars na sina Donna Cruz at Mikee Cojuangco. Makisaya sa kulitan ng ico­nic trio at abangan ang nostalgic nilang performances ng “I Can”, “Kapag Tumibok Ang Puso” at ilan pang mga paborito nating classic songs.

Malalagay rin sa hot seat ang Songbird para sa isang tell-all interview na pangungunahan nina Anjo Yllana at Janno Gibbs.

Lalo pang magiging espesyal ang kaarawan ni Regine sa pagbisita ng unico hijo niyang si Nate at sa greetings ng stepdaughters niya na sina Leila at Sarah Alcasid, kasama ang ina ng mga ito na si Michelle Van Eimeren.

Huwag palampasin ang masayang birthday episodes na handog ng GMA para kay Regine ngayong Sabado sa Sarap Diva pagkatapos ng Maynila at sa Full House Tonight pagkatapos ng Magpakailanman.


SHARE