Una sa Balita

Regine maghahanap ng mga singer sa Davao

By
0 3,013

Patindi nang patindi ang paghahanap ng mga aspiring hopefuls na maglala­ban-laban sa newest singing competition ng GMA Network na The Clash. Matapos kasi ang successful auditions nito sa Cebu recently, balita namin ay sinugod din ang Sunshine Park sa Baguio ng mga nagnais mag-audition noong nakaraang Sabado (February 24).

Kahit nga kasagsagan ng selebrasyon ng Panagbenga Festival, hindi pa rin nagpahuli ang mga taga-Baguio at iba pang malapit na lugar dito na patunayan na sila ang karapat-dapat na mapabilang sa upcoming GMA show na ito.

Lalo namang ikinatuwa ng mga naroroon nang bumisita at magbigay ng mensahe ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa mga lumahok sa nasabing audition. Marami sa kanila ang nagpapasalamat sa pagdating na ito ng Kapuso singer dahil nabigyan daw talaga sila ng inspirasyon.

Ang susunod na audition ng The Clash ay magaganap ngayong sa March 10 sa Ayala Mall sa Davao.

Megan, Mikael #relationshipgoals ng mga fan

Para sa kaarawan ng The Stepdaughters actress na si Megan Young, ibinalandra ng kanyang boyfriend at on-screen partner na si Mikael Daez sa social media ang sentimental value ng unang picture nilang magkasama sa beach.

Halatang luma na ang photo, dahil malabo pa ang quality pero bakas naman sa mukha nila na isang magandang memory ang kasama nito. Ni-request ni Mikael sa kanyang mga follower na batiin si Megan ng isang maligayang kaarawan, dahil ayon sa kanya ang mga simpleng gesture na ganoon ang nagpapasaya sa kasintahan. Napakasimple lang ng love life nilang dala­wa pero talagang nakakabilib, kaya certified #relationshipgoals. More power to the couple and happy birthday Megan!

Mark Herras pagod nang magpakabait

Excited si Mark Herras na ipakita ang bago niyang role sa The Cure dahil siya mismo ang nag-request na maging kontrabida. Gusto niyang may ibang ipakita sa telebisyon at ito ang sariling challenge niya sa sarili.

“Kasi dati laging mabait ‘yung role ko ‘eh, laging mayaman. Ngayon, para may makita namang bago ‘yung mga tao, nag-request na ako and na-grant naman po,” sabi ni Mark.

Bukod kasi sa upcoming serye niyang ito kasama si Jennylyn Mercado, may special participation din siya sa Contessa. Ibig sabihin, talagang pinaghahandaan ng Bad Boy ng Dance Floor ang pag-level up ng acting!

Bianca hands on sa debut niya

Bukod sa taping ng Kambal Karibal na namamayagpag sa ratings ay abala pala si Bianca Umali sa nalalapit na debut. Heto nga at ang gaganda ng mga pinapakitang pre-debut photos ni Bianca Umali at nakaka-excite malaman ang magiging kabuuan ng kanyang party. Mula damit hanggang mga imbitado, nakaka-curious kung ano ang kalalabasan nito lalo na at hands on ang Kapuso star sa kanyang birthday. Pero, balita naming may iniha­handa rin si Miguel Tanfelix para sa kanyang on-screen partner.