Una sa Balita

Regine mabentang ninang sa kasal, lagare kina Rachelle-Martin, Billy-Coleen

By
0 4,967

Lagare si Regine Velasquez-Alcasid sa kaa-attend ng mga showbiz wedding, huh!

Kagagaling lang niya sa Boracay island para sa kasal ni Rachelle Ann Go kay Martin Spies noong Wednesday at kahapon, maaga pa lang ay lumipad na sila ng mister na si Ogie Alcasid para sa kasal naman nina Billy Crawford at Coleen Garcia.

In fairness, isa si Regine sa mga ‘mabili’ sa mga ganitong wedding. Kung hindi ninang ay palagi siyang kasama sa entourage.

Mabilis kasing kausap si Regine. Basta nilapitan siya at puwede naman, kaagad na nagye-yes ang singer/actress.

Actually, pati nga sa mga concert ng ibang mga nagsisimula pa lang na singers, mapagbigay rin si Regine.

Eh, halos lahat yata ng singers ay gusto siyang mag-guest sa kani-kanilang concert, kaya hindi naman makatanggi ang Asia’s Songbird.

Mapagbigay si Regine dahil natutuwa siya na maraming mga baguhang sumisikat na rin.

Sabi ni Regine, nagdaan din siya sa pagiging isang baguhan at napakarami rin naman na tumulong sa kanya noon, kaya hanggang kaya niya, bakit nga naman siya magkakait ng tulong sa mga baguhang singer, ‘noh?!

Actually, pareho lang sila ng mister niya. Si Ogie rin, napakaraming new singers na tinutulungan. Panay rin ang pagge-guest niya sa concert ng ibang singers.

May management company nga si Ogie na nagma-manage ng mga baguhang singer, huh! Pati bahay nina Ogie at Regine, open sa mga singer na ito at madalas ay nakiki-jamming sila sa mga ito.

Ang motto yata ng mag-asawa, huwag magkait ng tulong at suporta sa kanilang kapwa singers!

Malayo sina Ogie at Regine sa iba na parang nai-insecure kapag may baguhang singers na sumisikat!

Bela napag-iwanan ng mga bff

Abala na si Sarah Lahbati sa pag-iimbita ng mga artistang may mga maliliit ding anak na katulad niya para sa 5th birthday ng anak na si Zion Lahbati. Pero sabi ni Sarah, kahit ang mga kaibigan niya na mga dalaga pa ay pupunta raw sa birthday ni Zion.

Ang alam ko, imbitado roon ang best friend niyang si Bela Padilla. Teka! Wala pa kayang balak mag-asawa’t magkaanak si Bela dahil karamihan sa kanyang mga malalapit na kaibigan ay mga nanay na?

PBA player never pumatol sa mga bading

Pinag-uusapan ang PBA player na ito na noong araw ay nali-link sa mga bading.

Sabi ng mga intrigero’t intrigera, hindi na raw kailangan ni player na mang-bading dahil ‘yung babaeng karelasyon daw niya ngayon ay ang yaman.

Nabibili na nga raw ni player ang lahat ng mga mamahaling gamit dahil daw sa girlfriend niyang madatung na obviously ay mas matanda sa kanya, huh!

Pero pagtatanggol naman kay player ng ilang mga malalapit sa kanya, hindi raw nakikinabang si player sa mayaman niyang girlfriend kahit pa nga mas matanda ‘yon kumpara sa kanya. Love raw talaga ni player ang kanyang girlfriend.

At sa laki raw ng suweldo ngayon ni player sa kanyang bagong team, hindi naman daw dapat ma-question pa kung bumili man siya ng mamahaling mga gamit dahil kayang-kaya na naman niya!

Isa si player sa talaga namang malaki ang monthly salary sa team niya.

Puwera pa raw ang mga bonuses na makukuha niya (bago kasi team) kapag nagpanalo sila sa bagong season ng PBA (na magbubukas bukas).

Saka ‘yung mga issue raw na inili-link si player sa mga bading ay tigilan na raw dahil marami naman sa mga bading na ‘yon ay pawang ilusyon lang ang mga kuwentong ipinakakalat, huh!