Una sa Balita

Regine mabenta pa rin sa US

0 324

abante-anything-goes-jun-lalinKahapon ay ka-text ko si Ogie Alcasid at kinumusta ko ang concert series ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid sa Canada at US kung saan siya ang special guest.

“Ok na ok naman, very successful. Six done, three more to go,” sabi ni Ogie.

Ang maganda, kasama nila ang anak na si Nate, kaya family bonding na rin ‘yon dahil naipapasyal nila ang bata kapag wala silang trabaho.

Like today, as you read this, nasa Universal Studios sila dahil request ‘yon ni Nate.

“Masaya rin dahil kasama nga namin si Nate at makakapag-Universal Studios kami bukas,” sabi niya nang mag-text kahapon.

Bale two more shows sila sa Chumash Casino Resort on Friday and Saturday sa Santa Ynez at last show nila on Sunday sa Alex T­heater sa Glendale, California.

“Hanggang May 29 kami sa Los Angeles, then uwi na. Maraming work na naghihintay,” sabi ni Ogie.

Pag-uwi, aasikasuhin ni Ogie ang two-night concert ni Ian Veneracion sa Music Museum.

Sa July 11 and 12 ang concert ni Ian na produced ng A Team production company niya, kaya paghahandaan na raw nila ang presscon para doon.

Ang maganda, habang nasa abroad si Ogie ay may ticket­s na ang concert ni Ian at mabenta raw ‘yon, huh!

Barbie malabong buntisin agad ni Jak

Kamakailan ay nag-celebrate ng kanilang second anniversary ang mag-sweethearts na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Matindi ang relasyon ng dalawa dahil boto ang p­arents ni Barbie kay Jak.

Malaya ngang nakakapag-date ang dalawa na hindi na nagbabantay ang parents ni Barbie.

Nakapag-abroad na rin sila na ang kasama ay si Sanya Lopez na kapatid ni Jak.

Sabi sa akin ng Mommy Amy ni Barbie, tiwala sila kay Jak dahil bukod sa mabait ay masunurin din!

Masaya nga sila dahil palagi silang magkasama sa taping ng “Kara Mia” at tanggap na rin ng mga fan ang relasyon nilang dalawa, huh!

Sa bait ni Jak at sa takot niya sa parents ni Barbie, malabo nga ang iniisip ng iba na mabubuntis agad ang dalaga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy