Una sa Balita

Regine, Lani, Gary, Sarah binalewala sa SEA Games

0 600

Kinukuwestiyon ngayon ang diumano’y $1 million na talent fee ng Black Eyed Peas na kinuha raw para isa sa maging performer sa gaganaping 30th Southeast Asian Games sa bansa.

Pagkatapos nga ng unang mapabalita na tinanggihan ng Pilipinas na maging host country for the SEA Games, nagbago ang ihip ng hangin at muling tinanggap ang hamon.

Ang SEA Games ay magaganap mula sa November 30 hanggang December 11 na kung sa iba, malaking isyu ang napakalaking talent fee raw na ibabayad sa Black Eyed Peas, karamihan naman sa nababasa namin, inaalala na ang posibleng maging mas matinding daloy ng trapiko once it started.

Eh, Christmas season pa nga naman.

Going back to talent fee, nakukumpara na kasi ang ibabayad sa grupo ng Black Eyed Peas sa ‘di hamak na maliit na talent fee lang daw ng National Artist na Ryan Cayabyab na siyang gumawa ng theme song at ni Lea Salonga who will perform it.

Kumpara sa $1 million, sure na barya nga lang siguro ang talent fee ng dalawa, pero among the local artists, siguradong malaki pa rin ito.

Noong 2017 kunsaan ginanap sa Malaysia ang SEA Games, most of the performers are Malaysian singers. Kinukuwestiyon na ng karamihan ang bilyon-bilyong pera na magagastos para sa SEA Games na ‘yung perang gagamitin nga raw sa kino-construct na giant cauldron, e, mga 50 classroom na ang katumbas ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

So, kung ang talent fee talaga ng Black Eyed Peas ay $1 million, bakit hindi na lang mga world-class singers na Pinoy na lang ang kuhanin? Siguradong hindi aabot kahit half million dollars ang talent fee.

Meron tayong Regine Velasquez, Lani Misalucha, Sarah Geronimo, Gary Valenciano at napakarami pa na pagkakataon na rin para mas maipakilala pa sa mundo ang galing ng Pinoy.

Tutal naman Pilipinas ang host, so might as well, Pinoy performers na rin ang ibida. (Rose Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy