Una sa Balita

Regine ininsulto sa maling spelling

0 474

Hindi naman itinatanggi ni Regine Velasquez na may sakit siyang dyslexia (Noun: A general term for disorders that involve difficulty in learning to read or interpret words, letters, and other symbols, but that do not affect general intelligence.)

Pero ‘yung para ulit-ulitin, insultuhin mo pa siya sa tuwing nagkakamali siya, ibang usapan na nga naman ‘yon.

Kahapon nga ay sumama na naman ang pakiramdam ni Regine dahil sa mga nagmamagaling, nagmamarunong, na walang ibang alam gawin kundi ang sitahin siya sa mga pagkakamali niya.

“I always make a mistake with spelling someone name. You can correct me without embarrassing me and it’s ok. I have dyslexia I have a hard time with spelling. Please be kind. Again you can correct me without making me feel bad,” sabi ni Regine.

“Life is so short so use your voices to inspire people and be kind to one another,” ang malinaw na mensahe ni Regine.

Siyempre, humamig ng suporta at pagmamahal si Regine mula sa mga fan niya, na sabi nga, hindi niya kailangang maging perfect sa spelling, dahil ang kahusayan pa lang niya sa pagkanta, at pagiging matulungin sa kapwa ay sapat na para maging kamahal-mahal, at respetuhin siya. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More