Una sa Balita

Regine inilibre ang GMA staff sa ‘Kuya Wes’

By
0 509

abante-anything-goes-jun-lalinIt’s nice to be back! Sayang kahapon lang ako nakabalik kaya hindi ako naka-join sa pa-block screening ni Regine Velasquez-Alcasid para sa “Kuya Wes” movie ng mister niyang si Ogie Alcasid.

Sobrang successful ang “Kuya Wes” block scree­ning ni Regine dahil dumating doon sina Gary Valenciano at Michael V.
Actually, very intimate ang pa-block scree­ning na ‘yon ni Regine. Pero alam n’yo ba na inimbitahan doon ng Asia’s Songbird ang ilang mga nakatrabaho niya sa GMA 7?

May mga staff nga ng “Sarap Diva” na nagpunta sa “Kuya Wes” block screening na ginanap sa UP Town Center.
In fairness to Regine, hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga nakatrabaho niya noon sa Kapuso network kahit na nasa ABS-CBN na nga siya.

Anyway, dahil hindi ako nakadalo sa block screening ni Regine, sa Saturday ay may block screening din kami na pinag-uusapan ni Ogie.

Dapat ay sa Friday evening ‘yon, pero nakapag-yes na kasi siya sa kanyang mga kaibigan na magba-basketball sila, kaya sa Saturday na lang ang block screening ng “Kuya Wes” na ino-organize ko.

Maja magsyusyuting sa Dubai

Alam mo ba, Dondon, noong nasa Dubai, United Arab Emirates ako, may mga nagtanong sa akin kung nasaan ka. Akala yata ay may taping tayo ng Abante News Online shows natin doon.

Anyway, sayang at noong Sunday ko lang na-contact ang ABS-CBN director na si Dado Lumibao, kaya hindi na ako nakapunta sa set ng isang project na ginagawa nila roon na si Maja Salvador ang bida.

May kinalaman sa mga OFW sa Dubai ang istorya ng project na ginagawa nila (na hindi pa puwedeng idetalye) at two weeks sila roon.

Ang nasabing project ang dahilan kaya nag-post si Maja na mami-miss niya ang boyfriend na si Rambo Nuñez. Oo nga pala, sobrang dami boto sa relasyon nina Maja at Rambo.

Marami rin kasing kaibigan sa showbiz si Rambo dahil anak siya ng events organizer na si Marilen Nuñez na kila­lang sobrang malapit kay Richard Gomez at humahawak noon ng Goma Cups.

Actually, sobrang bait nitong si Rambo at marami ring entertainment press ang nakakakilala sa kanya dahil isa nga siya sa mga nag-aasikaso kapag may pa-event ang nanay niya. Bagay na bagay talaga sila ni Maja, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy