Una sa Balita

Regine ingrata, walang utang na loob!

0 2,888

abante-i-know-better-jun-nardoNaku, tumigil na si Regine Velasquez-Alcasid o ang mga taong malalapit sa kanya sa pagbibigay-katwiran ng pagtalon niya sa Kapamilya network matapos ibigay at i-spoil ng Kapuso network ang lahat ng luho niya sa katawan ng dalawang dekada!

Ang bottomline pa rin ng ginawa niya – walang loyalty, walang utang na loob and worst, ingrata!

Eh, lumipat man si Songbird o hindi, tuloy pa rin ang ikot ng mundo sa GMA. Marami pa naman loyal Kapuso artists na never na nasilaw sa offer ng ibang network kahit na nga never pa nilang natikman ang treatment na ibinigay ng istasyon kay Regine, huh!

Nangunguna sa mga natatanging Kapuso ar­tist na sobrang loyal sa GMA ay ang mag-asa­wang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Nariyan din si Michael V and of course, ang Pambasang Bae na si Alden Richards.

Idagdag natin sa listahan sina Sunshine Dizon, Solenn Heussaff, Miguel Tanfelix, Bian­ca Umali, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Maricris Garcia, Jake Vargas, Camille Prats, Rhian Ramos, Carla Abellana, Bea Binene, Barbie Forteza, Jillian Ward, Antonio Aquitania, Diego Lorico, ang mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, at Gloria Romero at ang mga naging bahagi ng talent­ search na Starstruck gaya nina Katrina Halili, Dion Ignacio at iba pa.

Sa GMA News and Public Affairs naman, loyal Kapuso pa rin sina Mike Enriquez, Mel Tiangco, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino at Jessica Soho.

Best example ng pagi­ging loyal ay ang yumaong si German ‘Kuya Germs’ Moreno. Kaya bilang sukli sa pagiging loyalist ng namayapang Master Showman, ipinangalan sa kanya ang Studio 6 sa GMA Annex Building.

Heto ang isang quotation sa interest.com at kayo na ang bahalang mag-isip:

“There’s something wrong with your charac­ter if opportunity controls your loyalty.”