Una sa Balita

Regine diretso sa ABS-CBN sa Oct. 17

0 1,390

abante-anything-goes-jun-lalin

Mamayang gabi ang alis ni Regine Velasquez-Alcasid pa-Amerika kasama ang mister niyang si Ogie Alcasid para sa US concert tour niya, ang R3.0 kung saan special guest niya ang kanyang mister.

Noong Saturday night, isa sa mga pinag-usapan ang pag-attend ng Asia’s Songbird sa first ever ABS-CBN Ball. Naki-mingle si Regine sa big bosses ng Kapamilya network.

Noong una, akala ng mga nanood ng live streaming ng nasabing event ay hindi kasama roon ni Ogie ang kanyang misis dahil ang anak niyang si Leila Alcasid ang kasama niyang naglakad sa red carpet, pero sa mga naglabasang pictures, nandoroon nga si Regine.

Lalo tuloy umugong ang tsikang lilipat na nga siya sa Dos!

Mismong mga taga-GMA 7 na rin naman kasi ang nagsasabing nagpaalam na sa kanila si Regine at ang sabi pa nga ng isang executive ng nasabing TV network na nakausap ko kamakailan, tanging ang The Clash (na nagtapos na kagabi) ang show contract sa kanila ng Asia’s Songbird.

So, puwede bang sabihin na dahil nag-grand finals na kagabi ang The Clash, officially ay wala na si Regine sa Siyete?

Sa October 17 ang balik sa bansa ni Regine at ng mga kasama niya sa kanyang US concert tour, nangangahulugan bang after no’n ay pipirma na siya sa ABS-CBN at may malaking announcement na tungkol doon?

Siyanga pala, as of this writing, may isang malapit kay Regine ang tinanong ko kung posible bang magkaroon ng announcement today tungkol sa pag-alis ni Regine sa Kapuso network, pero wala siyang alam at aalamin pa lang niya.

Puwede pa nga naman kasing­ magkaroon ng “ganap” today dahil gabi pa naman ang flight ni Regine.

Ang mister nga niyang si Ogie ay magdya-judge pa mamaya sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime, huh!

Janella nagsolo, goodbye Elmo na talaga

Dateless si Janella Salvador sa ABS-CBN Ball, ‘yon na ba ang confirmation na wala na talaga sila ng rumored-boyfriend na si Elmo Magalona?

Bago pa ang nasabing event, sinasabing hiwalay na ang dalawa. Ang paghihiwalay nga raw ng dalawa ang dahilan kung bakit “at peace” na si Janella sa nanay niyang si Jenine Desiderio.

Annabelle inirampa ang mga diamante

Dondon, pagkatapos ng ABS-CBN Ball, tinawagan ko si Annabelle Rama na isa sa rumampa sa red carpet­ kasama ng mister niyang si Eddie Gutierrez. In fairness, type ko ang black gown niya na gawa ni Rajo Laurel.

Very elegant ang dating ni Bisaya at guwapo pa rin si Tito Eddie kahit na 76 years old na siya, huh!

Sabi ko kay Bisaya, maraming pumuri sa black gown niya.

“Magaling kasi si Rajo,” sey ni Bisaya sabay tanong sa akin kung, “Hindi ba ako matabang tingnan?” na siyempre ay sinagot ko na, “Hindi!”

Kuwento ko pa kay Bisaya, panay ang puri sa kanya ni Tim Yap sa ABS-CBN Ball coverage ng Metro channel.
At ang bongga ng alahas ni Bisaya, ang lalaki ng diamonds niya, ‘noh?!

Sabi nga ni Tim, kilala naman ang Gutierrez family matriarch sa kanyang mga bling-bling, kaya expected talaga na malalaking diamonds ang suot niya sa event na ‘yon, huh!

Mas magugulat ang mga nag-abang sa coverage ng ABS-CBN Ball kung hindi makinang ang mga alahas ni Bisaya!

Anyway, marami rin ang pumuri sa mag-asawa dahil sa tagal na ng kanilang pagsasama ay sobrang sweet pa rin sila sa isa’t isa!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy