Una sa Balita

Regine dinepensa si Morissette sa pag-revive ng kanta niya

By
0 497

Imbiyerna na at sunod-sunod na nag-rant sa Twitter si Regine Velasquez-Alcasid dahil sa galit.

Hindi nga makapaniwala ang mga fan na suma­bog na sa galit ang kanilang idolo at naglabas nga kasi ito ng sama ng loob via Twitter! Talagang naghihimutok sa galit ang Songbird!

Ito ang sunod-sunod na tweet ng singer:

“O tapos naka private ayaw mapagsabihan pero kung makautos at maka pagsalita kayo sakin parang pagaari nyo ko.”

“It’s not protecting me pinapahiya nyo OA.”

“Besides my body of work is MY BODY OF WORK I don’t need you protect that coz that’s finished already. Umiinit ulo ko sa inyo. Ang pinaka ayoko yung napapahiya sa kagagawan ng ibang tao!!!!”
May isa namang fan na sinusubukang pakalmahin si Regine ngunit hindi pa rin ito natinag at nireplyan ang fan at sinabing hindi siya magre-relax dahil pinapahiya raw siya ng kanyang mga fan.

Ang dahilan umano ng galit ng Songbird ay disappointed ito sa mga kumu­kuwestyon sa pagbibigay ng kanta niya kay ­Morissette Amon para ­i-revive nito.

Nakakatanggap si Morissette ng pamba-bash kesyo bakit hindi man lang ito tumanggi nang alukin ng Songbird.

Super imbiyerna nga si Regine na feeling nga niya ay wala siyang kara­patan na gawin iyon.

May mga fan nga na feeling ay pag-aari na nila ang kanilang idolo na animo lahat ng ginagawa nito ay dapat may say sila.

Anyway, first time ­makita ng mga fan na ­sumabog sa galit si Regine kaya naman pilit pa rin nilang pinakakalma ang Songbird.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy