Una sa Balita

Regine bumuga ng mataas na nota sa ‘ASAP’

0 636

1 taon nang Kapamilya:

Ang bilis ng panahon, ha! One year na pala mula nang lumipat si Regine Velasquez sa ABS-CBN at ipinagdiwang ito sa “ASAP Natin ‘To” noong Linggo (Nov. 17).

May pa-tribute sa kanya ang co-“ASAP Natin ‘To” stars niya na inawit ang kanyang timeless hits. Syempre, bumuga rin siya ng matataas na nota kung saan siya nakilala. In fairness din kay Songbird ha, kahit may edad na, hindi pa rin kumukupas ang boses.

“Isang taon na po akong nakikipag-kantahan, nakikipag-kuwentuhan, nakikipag-kulitan kasama kayong lahat. Salamat po na sa aking pagbabalik ay tinanggap niyo po ako at ako po ay inyong minahal,” sabi ni Regine.

Mula nga nang lumipat ang asawa ni Ogie Alcasid sa Kapamilya network, talaga namang mas naging visible siya sa telebisyon. Bukod sa Sunday variety show, naging judge siya ng “Idol Philippines,” nagkaroon din siya ng major concerts sa Araneta Coliseum kasama si Vice Ganda at kamakailan, si Sharon Cuneta.

Marami rin siyang naging endorsements at nagkaroon pa ng YouTube channel, na ngayon ay higit 100,000 subscribers na.

Kaya komento ng fans niya, iba talaga ang nagawa ng paglipat niya sa ABS-CBN. Parang bumalik daw uli ang Regine na minahal nila.

“A very-very honest opinion, before lumipat si Regine sa ABS-CBN hindi na ganito ka-powerful ang boses niya, may mga performance na nahihirapan na talaga sya…pero napatunayan natin na Musical Variety Show lang talaga makakabalik sa napakagaling na boses nya paglipat nya sa ABS-CBN. Bravo Regine! You make us soooo proud,” chika ng YouTube user na si KazumiLivesForever.

“Thank you ABS-CBN for this special number for Queen Regine! Ramdam namin ang pagmamahal niyo sa kanya at nararapat na trato sa kanya na hindi nabigay nung mga lumipas na taon,” sabi naman ng isa pang fan na si Roberto Cabrera sa YouTube.

Congrats kay Regine! Sana magtuloy-tuloy pa ang pagtingkad ng iyong bituin sa ABS-CBN. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More