Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Regine biglang umiyak sa ‘Showtime’

0 388

Nabigla ang mga host ng “It’s Showtime” nang biglang maiyak si Regine Velasquez-Alcasid noong bisitahin niya ang asawang si Ogie Alcasid sa noontime show kamakailan.

Nagpasalamat kasi si Regine sa programa dahil sakto raw ang timing ng pag-alok ng “It’s Showtime” kay Ogie para maging guest co-host.

“Gusto kong magpasalamat sa ‘Showtime’ kasi nung in-invite niyo siyang maging guest co-host dito, sobrang tuwang-tuwa siya. Kaya umuuwi siya sa akin na masaya. Masayang-masaya ako every time na umuuwi siya. Maraming maraming salamat sa ‘Showtime,’ pinasaya niyo asawa ko,” naluluhang sabi ng Asia’s Songbird.

Kinilig din ang mga host dahil sa mga sweet na mensahe ni Regine para sa kanyang mister.

“Super perfect talaga ‘yung asawa ko para sa akin. Kasi ‘yung asawa ko, parati talaga akong pinapasaya, lagi niya akong pinapasaya. Kaya ayoko na nalulungkot siya and lately, dahil sa mga nangyayari sa atin, nalungkot talaga siya,” sey ni Regine.

“Mas pipiliin ko na malungkot ako kesa malungkot siya. Kasi kayang-kaya niya akong pasayahin. Kapag siya ‘yung malungkot hindi ko siya kayang patawanin. So mas pipiliin kong masaya siya. Mas gusto kong malungkot ako,” sabi pa ni Regine. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.