Una sa Balita

REGINE, BALIK SA PILING NI ARIEL!

By
Regine Velasquez
0 8

Muling nagbabalik ang tambalan nina Regine Velasquez-Alcasid at Ariel Rivera sa telefantasya na Mulawin vs. Ravena.

Huli silang nagtambal sa isang teleserye ay noong 2004 pa via Forever In My Heart. Gaganap sila bilang sina Panabon at Sandawa sa MVR.

“Nagkaroon ng circumstances sa story na kailangan niya akong sagipin,” kuwento pa ni Ariel na isang half-human at half-Mulawin.

Si Regine naman ay Diyosa ng Kalikasan.
“I will play the mother of Lovi Poe who plays Magandara.

“Si Ariel ‘yung magiging conflict between me and my daughter,” tsika pa ni Regine.

Wala raw naging problema sa dalawa ang muling makapagtrabaho pagkatapos ng higit na 12 years.

“Kami naman ni Ariel, every time na nagkakasama kami sa isang project, walang problema kasi kabisado na namin ang isa’t isa.

“Halos sabay din kaming tumanda na sa industriyang ito, ‘di ba? Kaya it’s nice to work with a colleague anytime,” diin pa ni Regine.

Kapwa maayos ang pamilya nina Ariel at Regine kaya wala na raw puwesto ang maiintriga pa sila.

“Hindi na bagay sa amin ni Regine ang ganyan. Masyado nang throwback iyon.

“We are at this stage in our life na tapos na kami sa mga ganyan. We both have great partners in life, magkaibigan kami and we happen to like working with one another.

“Professional lang tayong lahat. Marami pa kaming puwedeng pagsamahan pa ni Regine,” pagtapos pa ni Ariel.