Una sa Balita

Regine Anne Arocha puso, isip sa pagpalo

0 292

Misyon ni Regine Anne Arocha na magbigyan ang Arellano University Lady Chiefs ng four-peat championship sa kasagsagan nang NCAA Season 95 women’s indoor volleyball tournament 2020.

Bilang isa mga sa veteran ng Legarda-based squad, nais ni Arocha na muling madepensahan ang korona at um-exit sa AU na may titulong kampeon.

Ipinunto sa Abante nitong nakaraang linggo ng 22-anyos na da­laga na ipinanganak noong Pebrero 21, 1997 na malaking bagay sa kanyang patuloy na improvement bilang player at pakikinig sa kanyang mga coach.

Ngunit sa labas ng court, simple lang si ang 5-foot-7 volleybelle kagaya ng ibang mga millennial.

Sa paglalarawan sa sarili, inamin niyang kikay, pala-sayaw at matakaw siya sa tulog kapag wala ito sa volley court.

Nababalanse rin ni Arocha na sa fifth at final playing year niya sa eskuwela at sa liga at may kursong BS Business Administration, ang kanyang pagiging student-athlete.

Sa kasalukuyan, hindi pa batid ng Rizal-native outside hitter ang kanyang mga susunod na hakbang pagka-graduate dahil focus muna aniya siyang maiuwi ang kampeonato.

Gaya ng kanyang mantra na “heart and mind lang sa paglalaro”, ibinubuhos lahat ni Arocha ang kanyang makakaya hindi sa Arellano, sa NCAA kundi sa ilang mga napaglaruan na ring ilang koponan sa Premier Volleyball League..

Q&A

Abante: Ano ang gusto mong maiwan na legacy sa Arellano?

Arocha: Siyempre gusto ko maibigay sa kanila iyong 4-peat title. Gusto ko rin nang magandang exit kaya gagawin ko, naming lahat para makuha iyon.

Abante: Ano iyong mga natutunan mo kasama ang team na nakatulong sa iyo bilang player?

Arocha: Makinig lang sa coaches. Dun lang eh, sa trainings, iyong mga pinapagawa ng mga coach sundin lang iyong mga sinasabi.”

Abante: Ano ang maipapayo mo sa mga ibang mga atleta para magtagumpay rin sa kanilang ginagawa gaya mo?

Arocha: Hard work lang. Kung may gusto ka, paghirapan mo. ‘Wag puro salita, gawin mo!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More