Una sa Balita

Regine aminadong pinarusahan ng Diyos dahil sa kayabangan

By
0 26

Sold out din ang se­cond night ng R3.0, ang highly-acclaimed 30th anniversary concert ni Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena noong Linggo.

May mga tagaha­nga si Regine na dalawang beses na nanood para malaman ang pagkaka­iba ng two-night concert niya at hindi sila nabigo dahil iba ang repertoire at mga special guest ng Asia’s Songbird.

Hindi nakalimutan ni Regine na ibahagi sa audience ang importanteng aral na kanyang natutu­nan sa Silver, ang 25th anniversary concert niya na ginanap sa Mall of Asia Arena noong ­November 16, 2012.

Kabilang kami sa mga saksi sa pag-iyak ni Regine dahil nawalan ­siya ng boses sa mismong araw ng 25th anniversary concert niya na isang malaking bangungot at humbling experience.

“In reality, I cringe, everytime somebody would call me queen. Obviously, I do not think of myself as a queen because I’m not,” ang sabi ni Regine.

“Ayoko nang magmayabang na kaya ko pa kasi ‘yung nangyari sa akin sa Silver, I wanted to prove to everyone that I still have it.

“I missed the point of the whole celebration of my 25 years then. I didn’t understand. I thought I was there to show off, that I still have my voice and just like that, it was taken away from me.

“I didn’t have a voice that day of the concert. Can you imagine, losing it totally and I have never experienced that before?

“You know, my voice has always been the most reliable thing ever. I would forget people, things. I would forget but when I open my mouth, it’s always there.

“It has never failed me never until that time because I think God was teaching me a lesson. God was telling me they already know you can do it.

“You’ve been doing it for 25 years. They’re there to celebrate with you and not to see you try to outsing yourself.

“So now, we’re celebrating the 30 years after 5 years ng Silver, I’m trying to have that in mind.

“That this is me being grateful to God for gi­ving me this wonderful talent. Because of this ta­lent, I was able to help my family. Because of it, napag-aral ko ‘yung mga kapatid ko, naging maganda ‘yung buhay namin.

“Hindi kami mayaman that’s why I’m still working but it’s a comfortable life. It’s not a hard life like before.

“Because of this wonderful talent and because God is so gracious, He gave me my wonderful parents na imbes na pag-aralin ako, binigyan ako ng choice ano ang gusto mong gawin,” ang pagbabalik-tanaw ni Regine sa humbling experience niya, limang taon na ang nakali­lipas at sa unconditional love sa kanya ng Panginoon.