Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Regalong handog para sa mga kabataan ng CCP

0 16

Ang Cultural Center of the Philippines ay nagbigay ng iba`t ibang mga libro at iba pang publikasyon sa isang pangkat ng kabataan na tinawag Lahat ng Bata sa Singalong, Maynila.

Ang Cultural Center of the Philippines ay nagbigay ng iba`t ibang mga libro at iba pang publikasyon sa isang pangkat ng kabataan na tinawag Lahat ng Bata sa Singalong, Maynila.

Iba’t-ibang klaseng mga publikasyon tulad ng mga aklat para sa mga bata mula sa Philippine Board on Books for Young People (PBBY), mga nailimbag na mga aklat mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at mga ajklat na nagmyla sa Performatura Festival 2019 ay naibigay sa Lahat ng Bata kamakailan lamang.

Nilalayon ng pangkat ng kabataan na gawing madali ang pagbabasa sa pinakamahihirap na pamilya sa kapitbahayan na hindi kayang bumili ng mga libro o mga materyales sa pag-aaral. Sa gayon, itinatag ang Lahat ng Bata Community Library. Mtatatagouan ityo sa Pag-asa Street, Zapanta, Singalong, Manila,upang maituguyod ang kagalakan sa pagbabasa para sa mga bata sa kapitbahayan. Ang mga book genre na maaring pwedeng pagpiliang basahin aypanitikan at kathang-isip para sa mga kabataan, self-help books, psychology and philosophy books, pati Filipiniana books. May learning materials para sa pang grade school hanggang kolehiyo na mababasa rin sa aklatan.

Ang CCP, sa muling pakikipagtulungan nito sa Philippine Board on Books for Young People (PBBY), ay ipinagdiwang rin nitong 20th ng Hulyo ang National Children’s Book Day. Ang selebrasyon ay nagaganap sa tuwing ikatlong Martes ng Hulyo upang gunitain ang pagkakalimbag ng “Ang Pagong At Ang Matsing ni Pambansan Bayani Dr. Jose Rizal na ang Ingles na pamagat ay “The Monkey and the Turtle” na naitala sa Trubner’s Oriental Record sa London.

Inilunsad rin sa pagdiriwang ang e-book na “Magkaiba? Magkaisa! Magbasa.” Ang Danas ng Nagkakaisang Sektor para sa Librong Pambata sa Panahon ng COVID.” Nai-edit ni Ani Rosa Almario, siyam na natatanging kwnento ang mababasa at nagpapakita ng mga karanasan ng mga kabataan at kanilang mga pamumuhay at personal na mga karanasan ngayong pandemya. Ang mga mat akda at kanilang mga ginawa ay ang mga sumusunod: “Kumbaga Sa Lugaw: Kung Bakit ‘Essential’ Ang Aklat-Pambata Sa Panahon ng Pandemya at Bakuna (O Kung Bakit Kailangang Patuloy na Magsulat sa Gitna ng Pandemya)” by Dr. Luis P. Gatmaitan; “Mga Munting Tugon Sa Hamon” by Ruben de Jesus; “Keep Safe and Healthy: The Challenges of Publishing During the Pandemic” by Frances A. Ong; “Alternatibo at Independiyenteng Paglalathala ng mga Akdang Pambata sa Gitna ng Pandemya” by M.J. Cagumbay Tumamac; “Maluwalhating Pagtulay sa Pandemya” by Gerardo V. Cabochan Jr.; “Librarians and Libraries: On Shifts and Pivots During the Pandemic Era” by Zarah Gagatiga; “Going the Distance: Learning in the Time of COVID-19” by Twinkle Caro Sicat; “Igniting a Love for Reading in the Time of Pandemic” by Rey Bufi; at “Ang Sentro para sa Batang Filipino sa Panahon ng Krisis” by Beverly Siy.

Ang e-book cover was designed by illustrator Abi Goy.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa NCBD, check out the CCP, CCP Intertextual, at PBBY Facebook pages.

Para sa mga interesado sa Lahat ng Bata, ang kanilang social media accounts: instagram.com/lahatngbata.ph, d facebook.com/lahatngbataph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.