Una sa Balita

Regalo sa kasal sa India, 150 organ

0 34

Naging makabuluhan ang isang kasalan sa India matapos mangako ang 150 bisita na kanilang ibibigay ang bahagi ng kanilang organ kapag sila ay namatay.

Ginawa ito ng mga bi­sita sa kasal, nitong Linggo,­ ni Utkarsh Modi, pa­nganay na anak ni deputy­ chief minister Sushil Kumar Modi ng Bihar.

Sa isang seremonya na isinagawa sa Bihar Vete­rinary College ground, inalis din ng mag-asawa ang ‘band, baja, baraat’ at sa halip ay ‘anti-dowry’ na kanta ang pinatugtog kung saan 350 katao ang nangako na ipapakasal nila ang kanilang mga anak na walang kukunin na dowry.

Mayroon ding kiosks ng Dadhichi Deh Daan Samiti, isang body at organ­ donation organization na sinusuportahan ni Sushil Modi.

Umabot sa 150 katao ang lumagda na ido-donate nila ang kanilang organ kapag sila ay namatay.