Una sa Balita

Regalo ni Vice Ganda sa pamilya ni Calvin ipinasoli ni misis

0 1,869

Gaano naman kaya ka-true ang tsismis na isa nga raw sa mga rason kung bakit nagmadaling magbakasyon sa Spain at iba pang lugar sa Europa si Vice Ganda during holidays ay dahil napagod na raw ito?

Napagod daw hindi lang sa matitinding promo iskedyul nito sa ngayo’y number one MMFF entry na “Fantastica,” kundi napagod ito sa “paghopia” (read: pag-asa) na magkakausap sila ni PBA player Calvin Abueva before or after Christmas.

Diumano kasi, merong tsismis na ipinasoli o hindi talaga tinanggap ng asawa ni Calvin ang mga regalong ipinadala raw ni Vice sa kanyang inaanak at sa pamilya ni Calvin?

Simula kasing kumalat ang isyu na nagbalikan na ang mag-asawa ay natsismis ding dumistansya na si Calvin kay Vice Ganda na siyempre pa ay ikinasama raw ng loob ng huli?

Nu’ng masilip namin sa “It’s Showtime” si Vice last Monday (January 7), mukha naman itong nasa tamang wisyo at super kuwela pa rin sa pagpapatawa at pag-share ng experience niya of his trip.

‘Yun nga lang, wala na ‘yung kaswal na mention ng mga anik-anik na usapin sa lovelife o puso. Baka lang wala pang time na pag-usapan hahahahaha!

Angel puspusan sa pagpapaseksi

Puspusan ang ginagawang pagpapabalik-alindog ni Angel Locsin na umano’y nag-gain ng weight since matengga ang pagpapalabas ng “The General’s Daughter.”

This January na eere ang matagal nang inaabangang proyekto ni Angel na magpapatunay kung hawak pa ba niya ang korona bilang isa sa mga reyna ng primetime.

Ang balitang special participation ni Maricel Soriano ay isa na raw ngayong major role kaya’t bukod kina Albert Martinez, Tirso Cruz lll, Eula Valdez at Ja­nice de Belen, “in” na rin si inang Maria bilang major cast member, bukod pa kina JC de Vera at Paulo Avelino, plus others.

Magba-back-to-back sila ni Coco Martin sa primetime ng ABS-CBN kaya naman sagad-sa­garan din ang pagpapalabas ng latest ad nila para sa isang “inasal na manok,” na for sure ay magi­ging bahagi ng gabi-gabi nating panonood.
Huwag lang sana tayong maumay hane?

Angel Aquino, Lito Lapid tinotoo ang relasyon?

Isa pang Angel ang natsitsismis ngayon na umano’y tila tinototoo na ang love angle with Lito Lapid? May tsismis ngang mukhang na­giging totoo ang relasyon nina Angel Aquino at Lito Lapid na sa seryeng “Ang Probinsyano” ay naging higit na close at madalas na nag-uusap hinggil sa mga usaping bayan, lalo’t tatakbo uli bilang senador ang huli.

Ayon sa mga ka-chismacker natin, madalas daw na humihingi ng rehearsal ang dating senador kapag ang eksena ay ‘yung mga “sweet moment” nila ng maganda at maga­ling na aktres.

Hindi nga ba’t natsismis ding hindi naman dapat magkaroon ng kissing scene ang kanilang pagiging “lovers” sa kuwento, pero ni-request nga raw ng parehong artista na gawin ito para makadagdag kilig daw at mabalanse ang mga matitinding aksiyon at awayan sa kuwento.

Ang latest tsika na nasagap namin ay madalas ngang magpa-cater ang dating senador sa set para daw masigurong hindi magugutom ang lahat, lalo na si Angel, na gusto raw patabain ng isang Lito Lapid hahahaha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy