Una sa Balita

Red tide alert tinaas sa Samar

0 212

PINAGBABAWAL muna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkuha ng shellfish sa baybayin ng Irong-Irong, Samar dahil sa pagkakaroon ng ride tide phenomenon.

Ayon kay BFAR Eastern Visayas Regional Director Juan Albaladejo, nagpositibo sa Pyrodinium bahamense, isang microorganism na nagdudulot ng paralytic shellfish poisoning ang mga sample na nakuha mula sa baybayin ng Catbalogan City at Tarangnan sa Samar.

Isinagawa ng bureau ang inisyal na pagsuri noong Hunyo 10, 2019 at dinala sa BFAR Central Marine Bioto-xin Laboratory para sa kumpirmasyon.

Dagdag pa ni Albaladejo, para sa kaligtasan ng mga makakakain ng lamang-dagat habang hinihintay ang resulta ng kanilang pagsusuri, pinag-ii-ngat ang publiko at inabisuhan na huwag munang kumuha ng anumang uri ng shellfish, gayundin ang alamang para ibenta o kainin. (PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy