Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Red tide alert sa Eastern Visayas

0 216

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa pagkain ng mga shellfish.

Nakita kasi ang red tide toxins sa walong karagatan sa Eastern Visayas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa inilabas na advisory noong Huwebes, idinagdag ng BFAR sa listahan ng mga red tide-infested area ang Maqueda Bay sa mga bayan ng Jiabong, Motiong, Paranas, San Sebastian, Calbiga, Pinabacdao at Hinabangan sa Samar at mga karagatan ng Daram, Samar.

Nauna nang sinabi ng kagawaran na kontaminado ng red tide ang Cancabato Bay sa Tacloban City; Matarinao Bay sa General MacArthur, Hernani, Quinapondan at Salcedo sa Eastern Samar; Carigara Bay sa Babatngon, San Miguel, Barugo, Carigara at Capoocan sa Leyte; karagatan ng Guiuan, Eastern Samar; Irong-irong Bay sa Catbalogan City, Samar; at San Pedro Bay sa Basey, Samar.

Dagdag ng BFAR, kalagitnaan pa ng Hulyo 2020 nananalasa ang red tide sa ilang karagatan ng bansa. (PNA)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.