Una sa Balita

Red spot sa iligal na droga Bilyong bank deposit ng mga Batangas local exec binuking ni Duterte

0 492

DIRETSAHANG tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga local executive ng Batangas na ang kanilang lalawigan ay ‘red spot’ sa iligal na droga.

Inihayag ito ng Pangulo sa situation briefing sa Batangas City kaugnay nang pagputok ng Bulkang Taal.

Sinabi ng Pangulo na marami ang gustong yumaman sa Batangas pero magiging panandalian lamang ito dahil sa hindi uubra sa kanya ang illegal drugs.

“Ang Batangas talaga, it remains to be a red spot. Marami talaga dito gustong yumaman. You will get all the perks that life can offer –money, but it’s going to be short-lived, at least during my term,” anang Pangulo.
Nakikita aniya ng Presidente ang bilyon-bilyong deposito ng ilang local executive sa bangko kaya binalaan niya ang mga ito na matutulad sa dalawang alkaldeng napatay dahil sa kanilang illegal drug trade.

“Ako magwa-warning na ako, because you are into drugs, do not shit with me! Nakikita ko kasi ‘yung bangko ninyo. Kung makita kong may bilyon-bilyon ka, saan mo kinuha ‘yang p***i**** yan? Mayor ka lang tapos may bilyon ka sa bangko?,” dagdag ng Pangulo.

Bagama’t abala ang gobyerno sa pagtugon sa mga problemang dulot nang pagputok ng bulkan, nagawang maisingit ni Pangulong Duterte ang isyu ng iligal na droga na aniya ay isa sa matinding problema ngayon sa bansa. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More