Una sa Balita

Red Cubs sasakmal ng 3rd win

By
0 1

Mga laro ngayon: The Arena, San Juan

9 a.m. — San Sebastian vs Mapua (jrs)
10:45 a.m. — EAC vs San Beda (jrs)
12:30 p.m. –Arellano vs Jose Rizal (jrs)
2:15 p.m. — Perpe­tual vs St. Benilde (jrs)
4 p.m. — LPU vs Letran (jrs)

Nakatakdang sakmalin ng San Beda Red Cubs ang wala pang panalong Emilio Aguinaldo nga­yong araw upang manatili sa tuktok ng team stan­dings sa 92nd NCAA juniors basketball tournament sa The Arena, San Juan City.

Kasalo ang Red Cubs sa three-way tie sa top spot na may 2-0 karta ang Arellano U at Mapua habang ang makakalaban sa 10:45 a.m. na EAC ay nasa ilalim tangan ang 0-2 baraha.

Katulad ng San Beda, misyon din ng Arellano at Mapua na kalusin ang mga katunggali upang masabayan ang Red Cubs sa unahan.

Nakaligtas ang Cubs sa huli nilang laro, sumandal sa kabayanihan nina Ed Velasquez, Joshua Tagala at Carlo Obenza upang pagpagin ng San Beda ang Lyceum of the Philippines University Junior Pirates, 97-88.

Haharapin ng Mapua ang San Sebastian Stag­lets sa unang sultada, (9 a.m.) habang 12:30 ng tanghali magbabalatan ang Arellano at Jose Rizal.

Samantala, magkakaroon ng break ang liga pagkatapos ng laro ngayong araw bilang pagsuporta sa Gilas Pilipinas basketball team na lalaro sa Olympic Qualifying Tournament mula Hulyo 5-8 sa MOA Arena sa Pasay City.