Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Red Cross ‘wag mam-blackmail

0 481

Sinabihan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang Philippine Red Cross (PRC) na tigilan umano ang pag-blackmail sa pamahalaan kasunod ng pagpapatigil nito sa sinasagawa nilang COVID-19 testing.

“I seriously counsel the management of the Philippine National Red Cross to stop blackmailing the government. Please remember that every centavo in the coffers of the government comes from every Filipino taxpayer. It is very lamentable that due to the government’s alleged failure to pay its obligation on time, it has been accused of a lot of things,” sabi ni Barbers.

Pinahayag ito ng mambabatas dahil sa desisyon ng PRC na itigil ang COVID swab testing bunsod ng kabiguan ng gobyerno na makapagbayad ng aabot na sa bilyong piso sa ilalim ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Giit ni Barbers, hindi ito tulad ng PRC kailangan pa umano ng pamahalaan na kumpirmahin ang anumang claim, gayundin ang legalidad ng kasunduan ng organisasyon at PhilHealth. “But this should not be taken against the government and blackmail it by stopping a supposedly public and noble duty of the Red Cross, Philippine or International,” aniya.

Sinabi pa ng mambabatas na ang mga tao ang magdudusa sa ginawa ng PRC.

Dagdag din nito, “If only for alleged unpaid dues you will resort to blackmailing, I wonder why the University of the Philippines has not evicted you yet from its property over which allegedly you have not paid rent for years.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.