Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Red Cross-PhilHealth deal kalkalin – De Lima

0 465

GORDON WALANG DELICADEZA

Kailangan umanong imbestigahan ang conflict of interest sa pagpasok ni Senador Richard Gordon sa kasunduan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa COVID-19 testing ng Philippine Red Cross (PRC), ayon kay Senador Leila de Lima.

“Sen. Gordon, in his capacity as Blue Ribbon Committee chair, is still investigating PhilHealth when the Memorandum of Agreement (MOA) between PRC and PhilHealth was negotiated and signed. Sen. Gordon himself signed the MOA. That is a clear conflict of interest,” sabi ni De Lima sa isang pahayag nito.

Si Gordon ang chairman at chief executive officer ng PRC.

“The allegations (of impropriety), prima facie, are serious enough to warrant a separate full-blown investigation on the precise nature of the transaction between PRC and PhilHealth,” ayon kay De Lima.

Binigyang-diin ni De Lima na ang PhilHealth, bilang isang government-owned and controlled corporation, ay hindi maaaring gumawa ng advance payment dahil taliwas ito sa kasalukuyang batas.

“Yet, it was included in the MOA. In fact, P100 million was paid upfront upon execution of the MOA,” sabi ng senadora.

Giit pa ni De Lima, hindi naman pinawalang-bisa o sinuspinde sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1 ang mga probisyon ng State Auditing Code kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang advance payment nang walang pag-apruba ng Pangulo.

Sa ilalim ng Bayanihan 1, ang estado ay pinapayagang makipag-partner sa PRC bilang primary humanitarian agency na makakatulong sa gobyerno sa pagbibigay ng tulong sa tao sa laban kontra COVID-19.

“It cannot be argued that the basis for the advance payment of P100 million to the PRC was the Interim Reimbursement Mechanism (IRM),” ayon kay De Lima.

Nauna nang naglabas si Gordon ng report hinggil sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa korapsyon sa PhilHealth noong 2019. Sa nasabing report, idinawit nito si dating Health Secretary Janette Garin at iba pang mga opisyal ng PhilHealth sa diumano’y mga iregularidad sa ahensya.

Noong nagdaang buwan, kinaladkad ni dating PhilHealth anti-fraud officer at whistleblower Atty. Thorrson Montes Keith ang pangalan ni Gordon sa diumano’y maanomalyang PRC-PhilHealth deal.

Sabi ni De Lima kailangang masuring mabuti ang MOA sa pagitan ng PRC at PhiilHealth para makita kung ang mga kuwestiyonableng probisyon ay naulit sa iba pang mga kasunduan na ipinasok ng ahensya. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.