Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Red Cross nganga sa P1B PhilHealth utang

0 139

WALA pa ring kasiguraduhan ang paniningil ng Philippine Red Cross (PRC) sa halos P1B pagkakautang sa swab test ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ay matapos na tumangging magkomento o magbigay ng legal na opinyon ang Department of Justice (DOJ) sa isyu kung dapat bang bayaran paunti-unti o bayaran ng buo ang halos isang bilyong pagkakautang ng PhilHealth sa Red Cross.

Batay sa opinyon ng Department of Justice (DOJ) na binasa ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang presss briefing, tumangging magbigay ng pahayag si Justice Secretary Meynardo Guevarra sa isyu dahil walang ibinigay sa kanila na mga datos para pagbasehan ng kanilang magiging opinyon.

“As regards to a query on whether the PHIC is legally obligated to immediately pay the PRC billings, we regret that we cannot give an opinion on the matter since there are no facts given on which we can base our opinion particularly on the completeness of the requirements and compliance with accounting and auditing rules and procedures,” ani Roque.

Ang pagbibigay aniya ng advance cash payment ay dadaan sa pag-apruba ng Presidente .

“Ang sabi po ng DOJ, I will quote ” with respect to the advance cash payment of 100 million pesos, the advance cash payment requires the approval of the President of the Philippines,” dagdag ni Roque.

Nakahandang magbigay ng paunang bayad ang PhilHealth ng P100 million pesos para mabawasan ang utang subalit hindi pumayag ang Red Cross.

Batay pa rin sa opinyon ng DOJ na binasa ni Roque, malayang makipagkasundo ang PhilHealth sa kahit na anong institusyon para magbigay ng health services gaya ng COVID testing alinsunod sa nakapaloob sa Universal Health Care law.

“According to the opinion of the DOJ under the Universal Health Care ay mayroong kapangyarihan ang PhilHealth na makipagkontrata sa kahit na sinong health care institutions, professionals, other persons judicial or natural regarding delivery of health services,” wika pa ni Roque.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.