Una sa Balita

Red Cross nagtayo ng mga medical tent sa Quezon City

0 372

Nagtayo ng mga medical field tent ang Philippine Red Cross (PRC) para sa mga pasyenteng tinamaan ng Coronavirus disease (Covid-19) sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.

Dahil sa dami ng nagkakasakit ng coronavirus, sinabi ni PRC chairman Senator Richard J. Gordon na magagamit ang mga tent para gawing isolation ward ng mga suspected carriers at pansamantalang doon na muna sila habang nagpapagaling at ginagamot.

“The NKTI has requested us to provide a tent that will serve as an isolation ward for suspected carriers of the virus. With this, the medical staff can receive those patients at the tent and they no longer have to bring them inside the emergency room. As we know, the NKTI caters to patients with kidney problems, mostly elderly patients who are having dialysis treatment, and they are one of those who are most susceptible to the disease. We want to ensure that they will not get infected and we want to help prevent further spread of the virus,” ayon kay Gordon.

Magsisilbi bilang additional ward para sa mga persons under investigation (PUI) ang itinayong tent, kasabay ng pagbibigay ng umaabot sa 9,700 piraso ng face masks para sa mga frontliners at healthcare workers sa Quezon City.

Nilinaw pa ni Gordon na handa ang PRC na tumulong para labanan ang Covid-19 at hindi sila mapapagod na maghatid ng tulong para sa mga nangangailangan. (Vick Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More