Una sa Balita

Red Bull Cliff Diving, mapapanood sa S+A

0 282

MAY bagong aabangan ang mga sports fan sa ABS-CBN S+A sa pagpapalabas ngayong Linggo (Abril 21) ng aksyon mula sa unang leg ng Red Bull Cliff Diving World Series na ginanap sa bansa kamakailan lang.

Dalawampu’t tatlong (23) mahuhusay na ­diver mula sa 18 bansa ang tumalon at tumambling sa ere mula sa matataas na lugar sa El Nido, Palawan para umpisahan ang ika-11 na season ng kompetisyon.

Nanguna sa men’s division ang kampeon noong 2018 na si Gary Hunt, na pitong beses na ring nagwawagi sa kompetisyon, sa iskor na 427.25 points.

Sinundan ang pambato ng Great Britain nina Constantin Popovici ng Romania na pumuntos ng 409.4 at Jonathan Paredes ng Mexico, na pumangatlo sa puntos na 408.05.

Namamayagpag naman sa Women’s World Series ang reyna nitong si Rhiannan Iffland ng Australia na may 329.25 na puntos. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy