Una sa Balita

Recruiter ni Demafelis tinutugis ng NBI

By
0 2,113

Mananagot umano sa batas ang recruitment agency ng Pinay domestic helper na natagpuang patay sa loob ng isang freezer sa Kuwait kung saan patuloy ngayon ang koordinasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa National Bureau of Investigation (NBI) para matagpuan ang nasabing mga recruiters.

Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III kung saan sa ilalim ng mga umiiral na batas, civilly at administratively liable ang ahensiya na nagpaalis kay Demafelis, at nagdala sa kanya sa Kuwait.

Ayon kay Bello, dapat na minu-moni­tor ng mga ahensiya ang kalagayan ng mga manggagawa na kanilang ipinadadala sa ibayong-dagat.

Una nang inihayag ni Bello na nahuli na sa Lebanon ang lalaking employer ni Demafelis sa pamamagitan ng tulong ng Interpol.

Makakaasa rin umano ang pamilya ni Demafelis na ibibigay ang lahat ng tulong sa kanila kasunod na rin ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.