Una sa Balita

Record ni EJ Obiena, 4th rank sa Olympics

0 275

UMAASA ang ina ni Ernest John Obiena na dating national sprinter na si Jeanette na makakayanan ng anak nito na malampasan ang Olympic Qualifying Standard sa pole vault event ng athletics alinman sa sasalihan nitong Diamond League Finals, World Championships at iho-host ng bansa na Southeast Asian Games.

Sinabi ng matandang Obiena na matindi ang pagnanais ng kanyang anak na agad makamit ang awtomatikong kuwalipikasyon sa susunod na kada apat na taong 2020 Tokyo Olympics sa Japan upang mas mapaghandaan pa nito ang pagsabak kontra sa mga world class na kalaban.

“Sinabi niya mismo sa akin na iyung personal best niya na 5.76 meters ay good for fourth place sa nakalipas na Rio Olympics. So iyun ang target niya ngayon na ma-clear ang standard height na 5.80 meters at saka na lang daw niya paghahandaan nang husto ang mga makakalaban,” sabi ni Obiena.

Bitbit ni EJ Obiena ang personal best na 5.76 metro na natalon nito sa World Universiade noong Hulyo 12 sa Napoli, Italy.

Matatandaan na nagwagi noong 2016 Rio de Janeiro Olympics sa pole vault ng ginto si Thiago Braz da Silva ng Brazil, pilak naman kay Renaud Lavillenie ng France at tanso si Sam Kendricks ng United States. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy