Una sa Balita

Record ni Buhain buburahin ni Yulo

0 431

WALA pang ibang Pinoy national athlete na nakahigit limang gintong medalya sa isang edisyon ng Southeast Asian Games sapul na isagawa ni swimmer Eric Buhain noong 1991.

Ang mahirap burahin na record ni Buhain ay nanganganib na matabunan sa unang pagkakataon ni artistic gymnasts Carlos Edriel Yulo sa isang edisyon ng kada dalawang taon na mutli-sports na SEA Games.

Bitbit ang pangako ng Philippine Sports Commission (PSC) na bibigyan ito ng buong suporta, nakatuon ngayon si Yulo na isagawa sa pagho-host ng Pilipinas sa 30th SoutheastAsian (SEA) Games ang pambihirang pagkakataon na walisin ang lahat ng kanyang pitong event sa gymnastics.

Sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) secretary general Bettina Pou na ipinangako mismo ni Yulo na gawin ang posibilidad na mawalis ang pito nitong event sa men’s gymnastics competition sa SEA Games matapos ang kanyang pagwawagi ng ginto sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgart, Germany nitong Sabado.

“He promised to sweep all of his seven events in the men’s gymnastics competition of the SEA Games” sabi ni Pou.

Itinala ni Yulo ang makasaysayang pagsungkit ng gintong medalya sa paborito nitong event na floor exercise upang maging unang Pilipino na nakapagwagi sa pinakamalaki at pinakakompetitibong kompetisyon sa buong mundo.

Ipinangako naman ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pagbibigay suporta kay Yulo ng lahat ng pangangailangan, kabilang ang pagbubuo ng sarili nitong koponan kasama ang physiotherapist, sports nutritionist at sports psychologist upang bantayan ang kanyang paghahanda at pagsasanay para sa pagsabak sa SEA Games at sa Tokyo Olympics sa susunod na taon. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy