Record ng bank acct ni Duterte hawak ng Ombudsman

By

Hawak ng Office of the Ombudsman ang dokumentong magpapatunay sa bilyun-bilyong pisong bank deposits ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang isiniwalat ni Sen. Antonio Trillanes na nagbunyag noon sa billion bank deposits na pinabulaanan ni Duterte.

Ayon sa senador, base sa kanyang impormante, noong nakaraang taon pa hawak ng Ombudsman ang mga dokumento mula sa Anti- Money Laundering Council (AMLC) na magpapatunay sa bank deposits ng Pangulo.

“Base sa mga impormante natin, last year pa nandun ‘yung documents na hawak nila,” ani Trillanes.

Dahil dito, ayon kay Trillanes, lalong mapapatunayan ang pagsisinungaling ng Pangulo patungkol sa isyu.

Hindi na rin aniya dapat paniwalaan ang mga pahayag ni Duterte lalo na ang huling paghahamon nito na magbibitiw siya sa pagka-pangulo kapag mapatunayang sangkot sa drug smuggling ang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Nadawit ang pangalan ni Polong Duterte sa drug smuggling activities sa Bureau of Customs (BOC) sa imbestigasyon ng smuggled na P6.4 bilyong shabu.

“Itong si Duterte talaga hindi mo mapanghawakan yung kanyang mga salita, talagang  sinungaling at bolero,” giit ni Trillanes.

SHARE