Una sa Balita

Record high ang satisfaction rating Duterte tumupad na sa mga pangako

0 521

NAKITA ng sambayanan ang mga ipinatutupad na tunay na reporma at programa ng gobyerno kaya binigyan si Pangulong Rodrigo Duterte ng pinakamataas na ­grado sa kanyang satisfaction rating.

Ito ang inihayag ni ­Presidential ­Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar ­kasunod ng 2019 fourth quarter survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) kung saan nakakuha si Pangulong Duterte ng bagong record-high rating na “excellent” +72 rating.

Mas mataas ito ng pitong puntos mula sa +65 rating na nakuha ng Pangulo nito noong September 2019.

Ayon kay Andanar, ang record-high ­rating ng Pangulo ay patunay ng suporta sa kanya ng mga tao dahil nararamdaman ng mga ito ang tunay na pagbabago.

“We welcome the 72% net satisfaction rating of President Duterte for the fourth quarter of 2019. This means that the ­President has the support of the people, for which he is very thankful,” ani Andanar.

Magpapatuloy aniya ang gobyerno sa pagsusulong ng mga ­makabuluhang ­reporma at pagpapatupad ng mga ­programa na mapapakinabangan ng bansa at mga Pilipino.

Ayon pa kay Andanar, ipinakita ni ­Pangulong Duterte ang kanyang kamay na bakal laban sa mga oligarko at nanindigang walang kompromiso sa mga may-ari ng water concessionaires.

Hindi rin aniya natinag ang anti-illegal drugs campaign ni Pangulong Duterte sa kabila ng mga banat at propaganda ng mga kritiko habang nakita ng mga tao ang pagbabago sa problema sa kahirapan na isa sa mga tinutukan nito.

“With clear vision and goals, this ­administration continues to ­undertake ­necesary reforms and implement ­programs that benefit the country and ­every ­Filipino,” dagdag pa ni Andanar.

Tinupad aniya ng Presidente ang ­kanyang pangako sa mga Pilipino at ­naramdaman na ito ng sambayanan kaya mas lalo pang tumaas ang satisfaction ­rating nito.(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More