Una sa Balita

Reconstitution ng land title paano mapabilis?

0 499

Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,
I thank the Lord that I have seen this page.

Good day po. Ang problema ko po ay paano po ba puwede mapabilis ang reconstitution ng title ko? Nawala po ang titulo ko nu’ng nasa out of country ako for 10yrs. Ngayon po 68yrs old nako.

Gusto naman po mapakinabangan ito. Binenta ko po ang property ng 720K ang 88sq.m na propery ko. Ayaw pa po niya ibigay ang full payment kasi po wala ang original title. I filed a petition at RTC.

Until now, ‘di pa nasimulan… for the reason na there is no judge. Ano po gagawin ko? Kailangan ko na po ang bayad para po sa panggastos ko.
Respectfully yours…
Mrs. Zenaida

***
Mrs. Zenaida,
Kapag ganyan po ang sitwasyon ay malamang po talaga na magtatagal ang proseso dahil walang judge na haharap sa petition ninyo.

Related Posts

Una po ninyong gawin at pumunta muna kayo sa Re­gistry of Deeds of Calamba at itanong kung may ginawa ba silang administrative reconstitution ng mga titulong nawawala upang hindi ka na magsampa pa o ipagpatuloy pa ang petition for reconstitution na iyong isinampa.

Ngunit kung ang nawawala ay ang titulo na dapat hawak ng may-ari ay hindi petition for recons­titution of title ang dapat mong isampa sa korte kundi petition for issuance of owner’s duplicate copy of title.

Kung halimbawa na ito ang iyong isinampa at hindi pa ito umuusad dahil walang judge ay maaari ka namang mag-file ng Motion for Reraffle para ito ay maipasa o maibi­gay sa korte na maaa­ring duminig kaagad sa petition mo.

Hangga’t hindi ninyo naibibigay ang orihinal na titulo ay may karapatan po ang buyer na hindi muna ibigay ang kabuuan ng bayad dahil sa iyan lamang ang pinang­hahawakan niya para maibigay ninyo ang title para mailipat naman sa pangalan niya ang titulo.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy