Una sa Balita

Reclamation project sa Manila Bay permanenteng ibawal na

0 469

Isang magandang balita dahil ­muling binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagtutol sa napakara­ming reclamation ­project sa Manila Bay.

Ayon sa Pangulo, ang alin mang reclamation project ng pribadong sektor ay hindi niya papayagan habang siya ay nasa puwesto. Maliban na lamang kung ang reclamation project ay isinulong ng gobyerno na siyang pakikina­bangan ng publiko.

Sa mga nakaambang reclamation project ay pawang pakikinaba­ngan at pagkakakitaan lang ng pribadong sektor tulad ng mga condominium, mall at casino hotel.

Sana naman ay hindi lang sa panahon ng administrasyong Duterte pagbawalan ang re­clamation project ng pribadong sector bagkus ay gawin na itong permanente.

Pinagpipiyestahan lang ito ng mga mala­laking kompanya na pagkakakitaan ng malaki.

Malaking pondo ang inilaan ng gobyerno sa rehabilitasyon ng Manila Bay na kung ­magiging ­malinis na ito ay saka ­naman ­eentra ang ­reclamation ­project.

Ayon din sa usap-usapan ay malaking halaga umano ang pinakawalang pera ng mga negosyante upang makuha ang pag-aapruba ng mga lokal na pamahalaan sa reclamation project.

Dahil sa hindi na matutuloy ang proyekto at kung totoo ang ulat na ­lagayan at katiwalian ay magsisilbi itong leksiyon sa mga negosyante dahil tiyak na malaking halaga ang nawala sa kanila.

Dapat ay ipreserba na lang ang Manila Bay at itakwil na ang anumang ­reclamation project dahil may ­masamang epekto ito ­tulad ng mga pagbaha sa lugar na nakapaligid sa Manila Bay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More