Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Recana, PH rowing 3 tanso sinagwan

0 42

Dalawang panibagong bronze medal ang sinagwan ng Philippine rowing team kahapon sa 31st Southeast Asian Games sa Thuy Nguyen Hai Phong Aquatics Center sa Hanoi, Vietnam.

Nakapagtapos ng bronze medal ang grupo nina Edgar Ilas Recana, Roque Abala Jr, Zuriel Sumintac, Joachim De Jesus sa men’s lightweight Coxless Four sa oras na 7:00.117

Mabilis namang tinapos ng Indonesian rowers ang karera para sa gold medal sa pagtutulungan nina Denri Mal Ghiffari, Ferdiansyah, Ali Buton, at Mahendra Yanto sa oras na 6:47.729, habang nakuha naman ng Vietnam ang silver nina Ngoc Khanh Vu, Van Dat Hoan Sang Vo, at Chung Pam sa oras na 6:52.879.

Sunod namang inirehistro nina Joanie Delgaco, Kharl Julianne Sha, Feiza Jane Lenton at Alyssa Hannah Go ang bronze medal sa women’s sa bisa ng 7:30.148 upang pumangatlo kina Thi Giang Nguyen, Thi Ly Ho, Thi Thao Pham, at Thi Thao Luong ng Vietnam na mayroong 7:11.326, habang sumegunda naman ang Indonesian sa oras na 7:18.388. (Gerard Arce).

Leave A Reply

Your email address will not be published.