Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rebelyon vs Trillanes tuluyang binasura ng CA

0 143

IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang kasong rebelyon laban kay dating Sen. Antonio Trillanes IV matapos itong buhayin ng korte dahil na rin sa pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang amnestiya noong 2018.

Sa isang desisyon, binawi ng Sixth Division ng appellate court ang utos ni Makati Regional Trial Court Branch 150 Judge Elmo Alameda na buhayin ang rebellion case ni Trillanes dahil inilabas ito ng may “grave abuse of discretion”.

“The respondent court committed grave abuse of discretion when, without taking ample time to pause and ponder, whether or not it retained jurisdiction, summarily and cursorily considered the Omnibus Motion upon a matter invol­ving a criminal action that it has long ago dismissed. It acted with grave abuse of discretion that amounted to excess of jurisdiction, thus ousting it of jurisdiction, when it shunned testimonial evidence,” nakasaad sa 59-pahinang desisyon na pinonente ni Associate Justice Apolinario Bruselas Jr.

Matatandaang ang Department of Justice (DOJ) ang nagsampa ng omnibus motion para parehong buhayin ang kasong rebelyon laban kay Trillanes sa Makati RTC Branch 150 at ang coup d’etat case laban dito sa Makati RTC Branch 148. Gayunman, nauna nang ibinasura ni Makati RTC 148 Judge Andres Soriano ang hakbang ng DOJ na muling buhayin ang coup d’etat case laban sa dating senador. Dinismis din ni Almeda ang kasong rebelyon laban kay Trillanes noong 2011 matapos nitong isumite ang certificate of amnesty na iginawad sa kanya ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Dating opisyal ng Philippine Navy (PN) si Trillanes, kasama ang iba pang sundalo na miyembro ng Magdalo group. nang kubkubin nila ang Oakwood Hotel sa Makati City noong 2003 at ang Manila Peninsula Hotel noong 2007 bilang protesta at patalsikin si da­ting Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa umano’y mga katiwalian sa pamahalaan.

Nakulong si Trillanes ng pitong taon bago siya pinagkalooban ng amnetiya ni Aquino noong 2011. (Mia Billones, Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.