Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rebelde todas sa engkwentro

0 385

Napatay ng mga awtoridad ang isang miyembro ng communist terrorist group sa Barangay Moriones, San Jose, Tarlac nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit (CIDG RFU) 3, hinainan ng warrant of arrest ang isang alyas ‘Ka Bert’ dahil sa kasong murder at dalawang count ng attempted murder.

Unang namataan si Ka Bert sa Sitio Cayaodan sa Brgy. Labney, Mayantoc, Tarlac kasama ang apat pang armadong rebelde.

Sa kinasang Oplan Pagtugis ay nasawi sa bakbakan si Ka Bert, ngunit nakatakas naman ang apat pang kasama nito kaya’t kinasa na ang manhunt operation sa mga naturang rebelde.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang M16 A1 rifle at isang pistol na nakasabit sa bewang ng nasawing rebelde. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.