Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Reavis kumpleto COVID bakuna

0 175

HABANG suspendido ang mga laro ng PBA Governors Cup, hanggang individual at Zoom workouts lang muna ang mga players.

Kaya natuwa rin ang Magnolia nang payagan na ang scrimmages at full practices.

Nagkaroon ng pagkakataon na makapagbanat ng buto ang mga tulad nina Paul Lee, Mark Barroca, Ian Sangalang, Jio Jalalon, Calvin Abueva.

Pati si veteran center Rafi Reavis, nakapag-ensayo na rin sa Hotshots.

Hindi pa nakasalang si Reavis sa laro ngayong conference dahil pumunta ng US pagkatapos ng Philippine Cup.

Sa US na rin nagpa-vaccine kontra COVID-19 ang 44-year-old big man.

Isa dati si Reavis sa iilang players na hindi nakapagpa-bakuna, kaya base sa rules ng liga ay hindi rin siya nakapaglaro sa unang apat na asignatura ng Magnolia sa import-laced tournament.

“He arrived here first week of January and has already joined our workouts and practices,” pahayag ni coach Chito Victolero.

Kumpleto na sa bakuna, puwede nang sumalang muli si Reavis para tulungan ang Hotshots sa kampanya.

Bago natigil ang mga laro mula Jan. 5, kumaripas sa 3-0 start ang Hotshots – huling biktima ang Ginebra 117-94 sa Manila Clasico noong Dec. 25. (VE) 

Leave A Reply

Your email address will not be published.