“It’s really hard to be 35 and gorgeous…” — Vilma

By

Mula sa puso ang kanyang pasasalamat ang sinabi sa amin ni Congresswoman Vilma Santos-Recto matapos tanggapin ang kanyang Presidential Award mula sa FAMAS.

“Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa pero ang FAMAS po ay isa sa ­pinagkakautangan ko po ng loob, kung bakit hanggang ngayon, nandirito pa rin ako sa ­industriya, after so many years.

“Again, it’s really hard to be 35 and gorgeous pero sa totoo lang po, nu’ng una akong mag-umpisa sa industriya, I was 9-years old at Trudis Liit, under Sampaguita Pictures at ang unang-unang best child actress award ko po, ang FAMAS po ang nagbigay sa akin.

“At nauna rin po akong nanalo ng best actress sa FAMAS, if I remember it right, Dama de Noche (1973), directed by Emmanuel Borlaza at ka-tie ko po noon si Tita Boots ­Anson Roa.

“And who would think, after so many years, nabigyan din ako ng Hall of Fame and after that, they gave me, Circle of Excellence kaya po napakalaki ng utang na loob ko sa FAMAS at ngayon po ay binibigyan din ako ng pagkilala bilang presidential awardee.

“Sa totoo lang po, aminin man natin o hindi, ang FAMAS po ay isa nang institusyon. Ang FAMAS po, everytime na may artista, bata pa ako hanggang ngayon kapag nagpupunta ako sa mga probinsya, kapag ikaw ay pinuri-puri na isang magaling na artista, ang sasa­bihin nila, pang-FAMAS ‘yan so ‘yung recognition o pagkilala na ibinigay n’yo sa akin, napakahalaga ho nito para sa akin.

“Ito ay pagpapaalaala sa akin na sa napakaraming taon, hanggang ngayon, ay nandirito pa rin ako sa industriyang ito, ang industriya ng pelikulang Pilipino.

“Kahit ako ngayon ay nagsisilbi na rin sa ibang industriya, now that I am a public ­servant, hindi ho matatanggal sa puso ko ang pagiging artista.

SHARE