Una sa Balita

I really feel tired (4)

By
0 1,659

Dear Dra. Holmes: (Shortened version of March 1 conversation)

My Name is Emma, 27 years old, I live in Europe and married to a Europian. We been married for already 6 years. We fight each other, but we still able to get together. But was really worst. He hammered a calendar on my head.

He doesn’t have work he depends only the beneficiary of the government. He didn’t even also try to find a job. He helps me clean our apartment, but I have been working already 3.5 years as a cleaner. My love for him is gone. I’m planning to divorce him. I’m not yet citizen but I can stay already in Europe.

(Para po lalo ninyong mainitindihan): 3 years and half na ako nag work as a cleaner­. pero yung sahod ko. hindi ko ma enjoy dahil enough lang sa needs namin. food and shelter.

Dear Emma:

Maraming salamat sa sulat mo at sa pagkaklaro ng iyong sitwasyon tungkol sa trabahong ginagawa mo ngayon.

Masaya ako na 1. Makaka-stay ka sa Europe kahit na hindi na kayo kasal. Sinabi ko ito dahil alam ko na marami sa ating mga kababayan ay hindi kasing suwerte mo. Ikalawa, maraming sa­lamat sa iyong pagka­klaro tungol sa sahod mo. Malamang wala kang makukuha sa be­nefits niya nang kayo ay maghiwalay.

Pero, palagay ko ok lang rin ‘yun dahil wala rin iyang karapatan sa suweldo mo kung maghiwalay kayo. Pero ito ay opinyon ko lang at mas mabuti na mag usapa ka sa isang abogado na alam ang batas.

Sa karamihan ng mga bansa sa Europe, may babaeng migrante o iba pang NGO na tumutulong sa ating mga Filipina. Kung walang ganun, nakakasigurado akong mayroong mga iba pang mga NGO na makakatulong sa iyo, kahit hindi ang Pilipina lang ang tinutulungan nila.

Tapos, ang ating embassy rin, sana ay makakatulong dahil tayo ang nagbabayad ng suweldo nila at ang pagtulong sa mga kapwa Pilipino sa ibang bansa ay isa sa pinakamahalagang tungkulin nila.

Ang tingin kong tulong na mabibigay sa iyo ay tulungan kang eksaminin ang iyong mga dahilan kung bakit mo gustong maghiwalay at kung sigurado ka na ito ang gusto mong gawin. TO BE CONTINUED.

***
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.