Una sa Balita

I really feel tired (2)

By
0 1,138

Dear Dra. Holmes: (Shortened version of March 1 conversation)

My Name is Emma, 27 years old, I live in Europe and married to a Europian. We been married for already 6 years. We fight each other, but we still able to get together. But was really worst. He hammered a calendar on my head. He doesn’t have work he depends only the beneficiary of the goverment. He didn’t even also try to find a job. He helps me clean our apartment. But i have been working already 3.5 years as a cleaner. My love for him is gone. I’m planning to divorce him.
I’m not yet citizen but I can stay already in Europe.

Dear Emma:

If you are not dependent on him for your staying there. So….what keeps you with him pa?

Dear Dra. Holmes:

You are korek poh. I do not need him, not even financially. I don’t know poh, Doc. Naguguluhan ako. I know he loves me but there are really times na I’m not happy.

Is it enough reason to divorce him? Saan poh ba ako mali?

Dear Emma:

Una, maraming salamat sa sulat mo. Ikalawa, hanga talaga ako sa iyo sa lahat na na-accomplish mo. Ang pinakamahalaga doon ay ang iyong karangalan. Tingnan mo: inamin mo na hindi ka naman 100% tama. Inamin mo na “I do fought him back verbally too.”

Isang tanong, Emma, bago ako pumunta sa aking ikatlong punto. Hindi pala, itong tanong ay ang ikatlong punto!! Sinabi mo na “I been working already 3 years and half as a cleaner but since we are beneficiary of the goverment. I couldn’t hold my salary.­ because it’s enough only for our needs.” Ibig bang sabihin nun ay, dahil beneficiaries kayo ng gobyerno ninyo, hindi mo nakukuha ang suweldo mo? Sana paki paliwanag mo ito sa akin, dearest Emma, kasi malaking epekto ito sa sagot ko.

Iniisip ko kasi kung totoo nga at nagtratrabaho ka para lang may trabaho ka at HINDI para sa suweldo, super laki ang hanga ko talaga sa iyo. Pero, teka teka, kahit na nagtratrabaho ka rin para sa suweldo mo, hangang-hanga pa rin ako sa iyo, dahil madaling maging kagaya lamang ng asawa mo, na – sana huwag kang magalit – masasabi natin ay may pagka-tamad, diba?

So… sa susunod na kolum ko sana may sagot na ako sa tinanong ko sa iyo, ingat — MG Holmes
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes