Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Realidad’

0 639

Mahirap tanggapin ang katotohanan.

Kung gaano karami ang mga obrero na nawalan ng hanap-buhay ngayon habang sinusubok tayo ng pandemya ay gayundin kalaki ang bilang ng mga batang ‘di namakapagtutuloy ng kanilang pag-aaral sa school year na ito.

Kasama na rin ang mga mag-aaral na nasa private school noonna inilipat ng kanilang mga magulang sa public school.

Ang jeepney driver na may limang anak ay walang atubilingsa pagsagot sa tanong ng kanyang limang anak kung sila ay makapag-aaral pa ba.

Hindi, mga anak.

Masakit sa dibdib sabi ng mamang tsuper ngunit kailangan namauna n’yang tanggapin ang kasalukuyang realidad bago pang kanyang pamilya.

Ang daming negosyo na noon ay namamayagpag at lagingmaingay ang cash register dahil sa malaking sales o benta nangayon ay tila ‘di kinaya ang impact ng malawakangcommunity quarantine o lockdown.

Nanahimik na ang kaha at nag-anunsyo ang ilang restaurantng business closure.

Nabalot ng lungkot ang mga comedy bar na ilang dekada nangnaging bahay ng kasiyahan at pansamantalang paglimot samga dagok ng buhay.

Kabubukas lamang mga barberya ngunit wala na muli ni isangkuwentong barbero na maririnig.

Walang patawad nga ang COVID-19.

Isa itong matinding kalaban na ‘di nakikita at pailalim kung bumanat.

Marami nang napatumbang mag-anak at kalakalan ang sakit na ito.

Nanawagan na nga ang medical frontliners ng time out.

Halos kalahating taon itong gumagapi sa lakas ng mga doktor at nars sa mga ospital.

Ang pananalitang “ihi lang ang pahinga” ay ‘di sasapat napakahulugan sa sakripisyo nila para maghatid ng kalinga atmalasakit sa mga pasyente.

Ngunit halip na puriin ang kanilang kabayanihan, maraminginsensitive na tao ang nag-turn the other cheek sa kanila.

Sa araw ng paghuhukom, ano kaya ang isasagot ng mgamahilig sa “deadma” sa tanong na “what have you done, mychild?

Papayagan kaya sila ni San Pedro na pumasok sila sa kaharianng langit kung sa lupa ay wala silang #empathy?

Karakaraka kasi sila kung magbitiw ng salita na ‘di nararapatat tila walang puso?

Sa panahon pa naman ng krisis ay napakahalaga ng goodcommunication.

At dahil pabaya sila sa kanilang pananalita, nadidismaya angsambayanan at tuluyang nanawalan ng tiwala sa kanila.

Isa pang ‘di kanais-nais ay ang pabago-bagong sistema sapamahahala ng krisis.

‘Di na yata dapat magulat pa kung bakit bumalik tayo saMECQ matapos maranasan nang ilang linggo ang GCQ at MGCQ sa ibang panig ng Luzon.

Aresto at kulong naman ang gamit ng ilang tagapagpatupad.

May trigger-happy rin na gusto ang shoot-to-kill sa mgalalabag sa kautusan.

Kahit ano man piliin sa mga ito ay ‘di tayo nakatitiyak saresulta.

Tanong ng ilan, ano ba ito, ikot-ikot lang?

Kailangan ng malawakan at malalim na pag-aaral sa mgasusunod na hakbang.

Marami naman sa mga Pilipino ang mahuhusay sa kanya-kanyang larangan.

Bakit ba parang kinukulang tayo?

‘Di kaya dahil pansariling interest ang inuuna at ‘di ang sigawng bayan?

Time out na rin muna sa kanya-kanyang pabida at pagkaisahinang diwa ng tao para isulong ang solusyon sa problema.

Pinakiusapan na ang publiko na pairalin ang respeto sa bawatisa at ang disiplina sa sarili.

Sabi nga ni dating US President John F. Kennedy, “Ask not what your country can do for you – ask what you can do foryour country”.

May papel tayong lahat sa paglaban sa sakit na ito.

#Pause.

‘Yan ang payo ng mga guru para makapag-isip nang maayosang sambayanan.

Tigil muna at manahimik.

Sa krisis na ito, kailangan na ituring na isang malakingsistema ang mga nangyayari.

Magnilay-nilay rin ang mga nasa pamahalaan para makapaglapat ng mga susunod na hakbang na akma sarealidad.

Magbalik-tanaw din ang mga mamamayan kung nagingpasaway ba sila sa pagtalima sa alituntunin ng pamahalaan.

Iisang sistema lang at ‘di pabugso-bugsong aksyon nasinuportahan ng mga residente.

Isipin na sa bawat kilos ay may nabubuong #unintended consequences.

Ang inaakala natin na sagot sa suliranin ay nagbunga pa ngpanibago at mas masakit sa ulo na problema.

Kailangang balikan ang sistema na nagdudulot ng malingsolusyon.

Dahil ‘di lamang pera ang nakataya rito kundi buhay at hanapbuhay, nananawagan ang ilan para sa processimprovement.

Suhestiyon ng mga eksperto, sundin ang #DMAIC.

Define – Measure – Analyze – Improve – Control

1) Define – Linawin ang #goals at pag-aralan ang#stakeholders (may interest na ma-solve ang problema at magiging beneficiary ng tamang solusyon) at mgahakbang para magawa ang nais
2) Measure – Sukatin ang kasalukuyang proseso para malaman ang #to-date performance. May gap ba?Nagma-match ba? Napakahalaga ang sinasabi ng mgadatos. Sa larangan ng management walang katuturan angmga proseso’t aksyon kung walang basehan. “What youcannot measure, you cannot control. What you cannotcontrol, you cannot manage,” ayon kay Peter Drucker, isang dalubhasa sa Management.
3) Analyze – Alamin nang mabuti at bungkalin angdirektang pinagmumulan ng mga problema o depekto saimplementasyon. Ito ang tunay na #hugot. Ang tawagdito ay root cause analysis.
4) Improve – Pag-igihin ang proseso sa pamamagitan ngpag-aalis ng mga mali sa sistema, sa tao, bagay o pagkilos man.
5) Control – Pigilin ang problema na makikita sa bagongproseso. Magmatyag sa mga maliliit na mali para ‘di nalumaki. Napansin n’yo bang lahat ay nagsasalita ngunitiba-iba ang sinasabi? May ayon sa siyensya at may ibanaman na parang hula at bula lang?
Ulit-ulitin ang mga hakbang na ito para maging pino angplano ng pagbabago.

Kung magawa ito ay maraming buhay at ikinabubuhay angmaaaring maisalba.

Sabay-sabay tayong umisip ng mga bagay na makatutulong namaibsan ng bawat isa ang latay na iniwan ng pandemya.

Tanggapin na natin na ito na ang ating realidad, ang atingbagong kaayusan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.