Una sa Balita

Real Gold pusoy sa mga tipster

0 263

PUSOY sa mga karera tipster ng programa si Real Gold kaya tiyak na siya pa rin ang liyamado pag-arangkada ng 2019 PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown series ngayong gabi sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Nagkasundo ang tatlong tipster na pang-primera nila si Real Gold kahit tinalo siya ni Boss Emong sa second leg noong June 23 sa pista ng Santa Ana sa Naic, Cavite.

“Natalo si Real Gold pero ang lakas naman ng dating niya at kung may distansiya pa paniguradong lalampas,” hayag ni Lester Miranda, panatiko ni Real Gold.

May distansyang 1,800 metro ang tinakbuhan sa 2nd Leg at ngayon ay 2,000 metro kaya inaasahang paga­lingan ang mga hinete sa pagdadala.

Nagwagi sa unang leg si Real Gold, tinalo nito ang outstanding favorite na si Obra Mastra sa 1,600-meter race.

Ang ibang kalahok sa event na nakalaan ang P1.8M na premyo sa owner ng unang tatawid ng meta ay sina My Jopay, Sir Joaquin, Shanghai Grey at My Dad Bogart. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy